WARNING! TEAR-JERKING! And madaming typo. Sad—este happy reading! Leave comments! ^___________^v </3
Chapter 36: Blame
Hanna's POV
"RENJI ano ba?! Buksan mo 'to!" malakas na sigaw ni Viel habang walang sawa niyang kinakalampag ang pinto ng kwarto kung saan nila kami biglang dinala at kinulong sa loob mula sa lock na nasa labas.
"P'wede ba, bespren? 'Wag kang hot! Ako lang ang hot dito kaya kalma ka lang d'yan!" dinig ko namang sigaw ni Renji mula sa labas sabay tawa. "Lalabas din naman kayo d'yan balang-araw!"
"What the!" pigil ni Viel sa pagmumura niya saka niya mas kinalampag pa ang pinto. "Oras na makalabas ako dito sinisiguro ko sa'yo na hindi ka na sisikatan ng araw bukas!"
"Sus! Ilang beses na akong ginanyan ni JD! Tingnan mo hanggang ngayon buhay pa rin ako," sagot pa ni Renji sabay tawa nang malakas.
Hanggang sa marinig namin ang mga yabag niya na lumalayo sa direksyon namin and all the curses and efforts ni Viel na makalabas sa kwarto na 'to ay nawalan rin ng silbi sa huli.
And now all I can hear was the utter and deafening silence.
"Fuck!" he cussed under his breath. "Sinasabi ko na nga ba! May pinaplano na naman ang isang 'yun! Bwisit talaga!"
"Just let him be. Siguro naman papalabasin rin naman niya tayo bukas. After all, bukas ang practice para sa entourage hindi ba?"
Medyo nagulat pa ako nang marahas na mapalingon sa direksyon ko si Viel.
And now, by this view, I can clearly see the annoyance all over his face and the lines that are starting to get deeper on his forehead.
"Paano mo nasasabi 'yan?"
"N-nasasabi ang alin?"
God, Hanna! Did you just stammer?!
"Na parang okay lang sa'yo na makulong tayo dito?" he said in mocking and insulting tone. "Siguro plinano n'yo 'to ano?"
"Excuse me?"
"Siguro plinano n'yo 'tong dalawa para mas pahirapan ako," sabi niya saka niya inis na sinuklay ang daliri niya sa puting buhok niya. "Shit! Hindi na sana ako umuwi kung ganito lang din pala ang mangyayari. Hindi sana ako malalagay sa nakakabwisit na sitwasyon na 'to! Damn it!"
Hindi ko maiwasang mapataas ng kilay sa paraan ng pananalita niya at pagbulong sa sarili niya at doon sa pamimintang niya na kasali ako sa plano na 'to na hindi naman talaga kasi kahit ako clueless sa mga plano ni Renji.
Ni wala nga ni isa sa amin ang nakakaalam kung paano ba talaga tumatakbo ang utak ng taong 'yun tapos ngayon ibibintang niya sa akin na kaya kami nakulong dito ay dahil sa nakipagkuntyaba ako kay Renji?!
And for what reason? Para masolo niya? The nerve with this man!
"Didn't thought that all through these years, your cockiness grows on you, Viel," I responded sarcastically.
Muli siyang napatingin sa akin at nakita ko na naman ang iritasyon sa mukha niya.
"'Wag mo kong simulan, Misis Miranda."
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...