Chapter 57: Talk and Suspicions

15.5K 404 57
                                    


A/N: BELATED HAPPY VALENTINES, EVERYONE! Here's my post-valentine gift for you. Sana ma-enjoy n'yo and HAPPY READING! Don't forget to leave your comments po after reading this chapter thank you! :)  

Chapter 57: Talk and Suspicions

Hanna's POV

"ARIANNA, princess. You need to eat this okay?"

"No! I don't want that!"

Napabuntong-hininga na lang ako saka inilayo sa kanya 'yung lugaw na ginawa ko na maraming maliit na gulay na nakalagay. Talagang napakahirap pakainin ng gulay ang mga bata.

"Bakit ba ang hirap mong makinig sa akin, princess?"

"Kasi sa akin lang siya nakikinig."

Nagulat ako nang may isang kamay ang bigla na lang kumuha sa mangkok na hawak ko saka ko nakita si Llyod na naupo dito sa tabi ko sa may dinning table at saka ito humarap kay Arianna.

"Princess."

"Daddy!" Nagulat pa si Arianna nang makita si Llyod saka ito mabilis na bumaba sa upuan nito at lumapat sa tabi namin ni Llyod saka nagpakalong dito. "Where have you been, Daddy?"

"Daddy just went to buy something, princess," sagot nito saka hinaplos ang buhok ni Arianna. "Why aren't you listening to your Mommy? You need to eat to get healthy right?"

"But Daddy I hate vegetables!"

"But vegetables are good for your body. Do you want to visit the scary doctors again?"

Mabilis na umiling si Arianna saka mas lalong humigpit ang yakap nito sa leeg ni Llyod.

"No! I don't want to see them again, Daddy!"

"Then you need to eat your Mommy's porridge, baby."

Matagal napatingin si Arianna doon sa mangkok ng lugaw na nasa harapan niya at maya-maya pa ay napaharap ito ulit sa direksyon namin bago tumango.

"You're going to eat vegetables now, princess?" paniniguro pa ni Llyod.

"Yes, Daddy."

Napangiti na lang ako sa anak ko saka sila pinanood ni Llyod na naglalaro pa ng kung ano-ano bago natatawang isubo ni Arianna ang pagkain nito.

Sana ganito na lang talaga lagi. Sana ganito na lang kami parati.

But I know that was a wishful thinking. At alam ko na hindi rin maganda ang ganitong sitwasyon para sa pagitan namin nila Llyod at Viel.

Isang Linggo na magmula nang ilabas ng ospital si Arianna at naging stable ang lagay nito mula sa dengue.

Ang sabi pa sa amin ng doktor, hanggang tatlong beses p'wedeng magkaroon ng dengue ang isang tao. Na hindi por que nagka-dengue ka na ngayon ay hindi ka na magkakaroon sa susunod.

Kaya triple-triple ang pag-iingat namin. Hindi na kami nag-iimbak ng tubig maging sa pool area. Inalis na ang tubig doon at wala na ni isa sa amin nila Kuya ang gumagamit noon.

Kapag gusto ni Arianna maligo sa pool, binilhan na lang namin siya ng inflatable pool at doon na lang pinapaligo na nagugustuhan naman ng bata kahit papaano.

At isang Linggo na rin ang nakakalipas pero wala pang Viel ang nagpapakita sa amin.

Nasabi na sa akin ni JD no'ng huling pag-uusap namin sa ospital na isa si Viel sa nag-donate ng dugo para sa platelets na kailangan ng anak ko kasama si Rina.

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon