Chapter 3: Snow

39.6K 804 55
                                    

A/N: Balik na po tayo sa continuation ng Chapter 1. Flashback from the past kasi yung Chapter 2. Wag pong malito okay? Kung may reklamo po magsabi lang sa akin. Pero sana wala. XDD

 

Chapter 3: Snow

Viel's P.O.V

          Hanna is asleep. The wind outside her room's window blows some strands of her hair away from her face. She looks peaceful and divine. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na haplusin yung mukha nya.

          And when I did that, she suddenly open her eyes then smile at me.

          "Good morning babe!" I greeted her then kiss her cheeks.

          "Morning." sabi nya.

          Tinulungan ko syang makaayos ng upo sa kama nya at isinandal yung katawan nya sa may may sandalan nito.

          She looks fine. But it pains me to see her fine. Para kasing sa tuwing nakikita kong maayos sya, pakiramdam ko anumang oras mula ngayon bigla na lang sya mawawala sa akin.

          "How is your sleep?" tanong ko.

          "Ito, inistorbo mo!"

          Natawa ako sa sinabi nya at saka ako umupo sa gilid ng kama sa tabi nya.

          "Want to go outside?"

          "Di ba sinabi ng doctor na bawal—"

          "Ikaw ang tinatanong ko hindi yung doktor." sabi ko. "Do you want to go outside?"

          Napatingin si Hanna sa labas ng bintana then she turned her head to me again.

          "Kapag pinagalitan ako ng doctor, patay ka sa akin!"

          I laugh at her at saka sya tinulungan mag-ayos para sa gagawin naming pamamasyal sa labas mamaya.

          I want to take Hanna outside. Pakiramdam ko kasi lalo lang syang nanghihina kapag nag-iistay sya dito sa ospital eh!

          "Wala na bang tao?" mahinang tanong nya sa akin habang nagtatago sya sa may likuran ko.

          "All clear!"

          Napatingin kami sa isa't-isa at sabay napatango at nagsimulang maglakad sa may mahabang hallway ng ospital.

          Pakiramdam namin may nagpiplay ng background music ng theme song ng James Bond movies habang naglalakad kami. Tinalo pa kasi namin yung mga secret agent sa ginagawa naming pagtakas. Good thing wala pang masyadong tao sa may hallway ng ospital.

          Then, all of a sudden, may bigla na lang sumulpot na doktor sa daraanan namin kaya bigla kong naitulak si Hanna papasok sa isang pinto na nakita ko sa may gilid at saka iyon isinara. Buti na lang nakatingin doon sa mga papel na hawak nya yung doktor kaya hindi nya siguro kami napansin. At buti hindi naka-lock ang pinto na 'to.

          "Sira ka talaga!" mahinang sabi ni Hanna sabay hampas sa dibdib ko.

          "Wag ka na lang maingay!" saway ko sa kanya.

          Nilibot namin yung paningin namin sa kwartong napasukan namin.

          "Great! Janitor's closet!" Hanna said mockingly. "The next time you're going to take me out on a date, make sure na hindi na tayo babagsak ulit sa janitor's closet huh?"

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon