Chapter 14: Dreams of the Past

24.4K 506 22
                                    

Chapter 14: Dreams of the Past

Viel's P.O.V

          "Samahan mo ako huh?"

          "Psh! Bakit ako? Si Kyle isama mo!"

          "Eh! Dali na!" pilit nya saka hinila yung braso ko. "Dali na! Dali na! DALI NA!"

          "Aish! Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" inis na sabi ko habang hinihila pabalik yung kamay ko mula sa hawak nya.

          "Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo ako sinasamahan!" sabi nya saka nya biglang niyakap yung braso ko anng malapit ko ng matanggal iyon.

          "Ano ba Bettina?! Alis nga! Shu! Shu! Doon ka sa iba manggulo wag sa akin!"

          "Hinde!" sabi nya saka mas hinigpitan yung hawak sa akin.

          Para kaming tanga dito sa may field. At ang tindi ng kapit ng babaeng 'to sa akin.

          "Hindi nga ako pwede! Ang kulit mo!" sabi ko saka sya pilit tinutulak pero ayaw nyang patinag.

          "Sandali lang naman 'to eh!"

          "Hindi nga pwede!" bakit ba ang kulit ng babaeng 'to?!

          Masasapak ko na 'to! Malapit na! Kaunti na lang!

          "Sasamahan mo lang naman akong mamili ng regal okay Kuya tapos ang arte mo pa?!" sabi nya saka ako marahas na tinulak.

          Buti na lang at hindi ako natumba doon sa tulak nya. Barbaro kaya ang babaeng 'to!

          "Dyan ka na nga! Hmp!" sabi pa nya saka talikod.

          Nakataas yung kilay ko habang pinapanood syang maglakd palayo.

          Sus! Alam ko na yang style nya na yan. Magpapahabol para pumayaga ka sa gusto nya. Tsk! Ang spoiled ng babaeng 'to! Binibaby kasi ni Lloyd eh! Psh!

          Pero dahil sa alam ko na ang bulok nyang style, hindi ko sya hahabulin.

          Huh! Asa sya!

          At maya-maya pa nga ay lumingon sya at nakita ako na hindi man lang gumalaw dito sa pwesto ko.

          Makikita mo yung inis sa mukha nya habang nagmamartsa sya pabalik sa akin.

          Gusto kong matawa kaya lang malapit na sya kaya pinigilan ko na lang.

          "Hoy! Bakit hindi mo ko sinundan?!" galit na sabi nya.

          "Bakit naman kita hahabulin?" nakangising sabi ko. "Bakit? Chicks ka ba?"

          Nagulat ako nang bigla na lang nya akong batukan. "ANO BA?!"

          "Eh sira-ulo ka pala eh! Kapag may nangayaring masama sa akin doon sa mall?! Di kasalan mo? Wala ka bang konsensya?!"

          "Sus! Parang sa mall lang punta mo may mangyayari agad na masama?"

          Nginingisihan ko sya. Sarap asarin nito eh.

          Pikon kasi. Hehehehe.

          "Kapag ako hindi mo sinamahan, sasabihin ko kay Kuya na nakikipaglandian ka sa girlfriend nya sige!" pagbabanta nya.

          At nagsimula na naman sya sa mga pangbablack mail nya sa akin. Psh. Babaeng 'to talaga!

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon