Chapter 50: Meeting with the Queen Part 2

15.7K 421 107
                                    


A/N: Sorry for the typos. Minadali ko 'to. And please before reading this chapter try to download and play Mister Brian Crain's piano piece entitled 'ADANTINO'. Happy reading! :)

Chapter 50: Meeting with the Queen Part 2

Hanna's POV

"HINDI MO naman kailangang pumunta kung ayaw mo talaga, Hanna."

Napangat ako ng tingin kay Llyod matapos niyang ikabit sa leeg ko ang kwintas ko saka ako humarap sa kanya.

Maging si Llyod ay naimbitahan sa birthday party ng Mama ni Viel kahit si Kuya. Pero dahil sa emergency sa ospital, hindi makakasama si Kuya. Kaya kami lang nila Llyod at Arianna ang makakapunta sa party at iba pang kaibigan ni Viel.

"Kahit galit ako kay Viel, mas kakampihan ko pa rin siya kaysa doon sa Mama niyang wala na yatang ibang ginawa kundi kontrolin ang mga taong nasa paligid niya," nahihimigan ko ang inis sa boses ni Llyod habang nagsasalita.

"Bakit? May ginawa na ba siyang masaya sa'yo?"

Nakita ko na sandaling natigilan si Llyod pero maya-maya lang ay umiling din ito.

"Wala sa mga kaibigan ni Viel ang hindi nakatikim sa kuko ng Mama niya. Kung hindi nga lang kami mayaman, malamang hindi hahayaan ng Mama niya na maging magkaibigan kami ng anak niya."

"Hindi naman siguro," pagtatanggol ko pa sa Mama ni Viel pero kahit ako hindi kumbinsido sa sinabi ko.

Hindi naging maganda ang una at huling pagkikita namin ng Mama ni Viel. Noong una, harap-harapan niyang sinabi sa akin na hindi niya ako gusto para sa anak niya. Pangalawa noong sinabi niya sa akin ang tungkol kay Erika at Viel na naging mitsa para magkasira kami ni Viel at mapunta ako sa sitwasyon na ito.

Kung noon pa lang, kung doon pa lang sa walang bias naming kasal ni Viel, kung doon pa lang nahalata ko na may mali talaga kay Viel at sa relasyon niya sa Mama niya, siguro hindi ko mararanasan ang lahat ng ito ngayon.

Sana noong una pa lang, nakaiwas na ako.

Mabigat akong napabuntong-hininga saka napaupo sa harap ni Arianna na abala sa paglalaro ng mga barbie nito sa ibabaw ng kama saka ko hinaplos ang buhok niya.

Ayoko mang isama si Arianna sa party, wala naman akong magagawa kundi ang isama siya dahil walang mapag-iiwanan dito sa bahay.

"Nakapagdesisyon na ako, Llyod," sabi ko sa kanya pero mas sabi ko iyon para sa sarili ko. "Hindi na ako tatakbo. Kung gusto akong makita ng Mama ni Viel, p'wes ibibigay ko sa kanya ang gusto niya."

"Pero Hanna, hindi mo alam kung anong kayang gawin ng babaeng iyon sa'yo!" pagpoprotesta pa niya.

"Kahit ano pang gawin niya sa akin sa party, tatanggapin ko," sabi ko saka muling lumingon sa kanya. "Siguro siya na ang karma ko sa lahat ng mga maling nagawa ko at walang-sawang pananakit sa'yo."

"Hanna..."

"Nakapagdesisyon na ako, Llyod," sabi ko sa kanya saka tumayo at pinaglipat-lipat ang tingin ko sa kanila ni Arianna bago ako muling tumingin sa kanya. "Ayokong magkaroon ng magulong pamilya si Arianna. Tama si Kuya. Kailangan ko nang piliin ang mas tama."

"But you still love him."

"Yes, I do," sabi ko nang walang kakurap-kurap habang nakatitig sa mata niya. "Kaya Llyod pasensya ka na kung magiging selfish na naman ako sa'yo. Pero p'wede bang hayaan mo na lang akong mahalin si Viel? P'wede bang hayaan mo ang puso ko na kusang mapagod sa pagmamahal ko sa kanya na hindi naman tama?"

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon