Chapter 51: Giving Up

12.7K 346 92
                                    


A/N: Hello, MEMH Readers! Pasensya na po kung higit one month akong walang update dito. Nagulat pa nga ako na almost two months na pala akong di nakakapag-update dito. Kaya sobra-sobrang pasensya po talaga! It's been a struggle to me na gumawa ng susunod na chapter dito kasi alam mo yun? Kahit ako na author nahirapan na makalusot sa conflict nila Viel and Hanna. But everything's fine now. At sobrang (masasabi kong) makakabawi ako sa tagal ng hinintay n'yo. Dahil from Chap. 51 to 55 ay mapapakapit kayo sa mga cellphone at mouse n'yo habang nagbabasa ^^ Kaya HAPPY READING PO! Paki intindi na lang muna mga typos. Saka LEAVE COMMENTS po after reading this chapter! Thank you!


Chapter 51: Giving Up

Erika's POV

"SAAN KA na naman ba nanggaling, Viel?" mabilis na salubong ko sa kanya pero hindi pa rin niya ako pinapansin.

He's always been likes this. Always.

"Bumalik na sa hotel si Mama kasi alam niya na magkakasagutan na naman kayo."

Sinundan ko siya hanggang paakyat doon sa second floor ng bahay na ito na binili niya para doon kay Hanna kung saan din ginanap ni Mama Margox ang birthday party niya.

Plinano lahat 'to ni Mama. Sinadya niyang imbitahin sila Hanna at ang asawa nito ngayon na si Llyod para pasakitan siya. Para ipamukha naming dalawa sa mang-aagaw na babae na iyon na wala na siyang mahihita kay Viel.

That Viel was already mine even a long time ago before she came.

"Madaling-araw na, Viel. Siguro pinuntahan mo na naman ang babae na iyon ano? Siguro nagmakaawa ka na naman sa kanya na balikan ka niya. Siguro--"

"SHUT UP!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa pintuan ng kanyang kwarto nang pagtaasan niya ako nang boses.

"Kailan ka ba titigil sa kakatalak mo d'yan huh?! Umalis na pala si Mama eh di sana umalis ka na rin! Ano pa bang balak mo dito? Lumayas ka na! Ayokong makita ang pagmumukha n'yong dalawa! Kahit na sino! Kaya iwanan mo na ako! Umalis na kayong lahat!"

Matagal akong napatitig sa mukha niya bago ko muling nahanap ang dila ko.

"Hindi mo ako mapapaalis dito dahil pamamahay ko rin 'to at asawa mo--"

"Hindi kita asawa!" madiin na sabi niya sa bawat salita. "And this is not your house. This is Hanna's house. My house! Kaya umalis ka na ngayon sa pamamahay ko! Labas!"

"So, ganito na lang ba tayo lagi, Viel? Ganyan ka na lang ba parati?"

Si Viel naman ngayon ang hindi makapagsalita pero bakas na bakas pa rin ang mukha niya ang galit.

Sa akin. Sa Mama niya. Sa lahat. Sa ewan.

"Parati mo bang itatanggi sa sarili mo na legal na mag-asawa tayo? Na kahit hindi mo ginusto ang set up na 'to ay nandito ka pa rin? Na kahit alam mong matagal na akong nagmamahal sa'yo pero bale-wala ka pa rin 'yun? Kasi ang gusto mo lang lagi ang sinusunod mo? Kasi 'yung Hanna na 'yun lang lagi ang gusto mo? When will you stop being so childish, Viel? Hanggang kailan mo ba itatanggi na tapos na ang lahat? Na nandito na 'to at wala ka nang magagawa pa? Kailan mo ba matutunang tanggapin ang katotohanan, Viel? Kailan?"

Dahan-dahan akong lumalapit sa kanya. At sa bawat hakbang na ginagawa ko, bumabalik sa isipan ko 'yung mga alaala na kasama ko siya.

'Yung mga panahong wala pa si Hanna. 'Yung mga panahong masaya kaming dalawa ni Viel.

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon