UNEDITED CHAPTER. TYPOS EVERYWHERE. HAPPY READING AND LEAVE COMMENTS PO! :)
Chapter 61: What I Want
Viel's POV
NANDITO AKO ngayon sa kusina nila Hanna at naghahanda ng kakainin nilang dalawa ng anak namin.
Gusto kong suntukin ang sarili ko sa ginawa kong paghalik sa kanya habang natutulog siya.
Gusto kong isumpa ang sarili ko dahil nawawala na naman ako sa katinuan ko at pumupulot na naman ako ng bato na ipupukpok sa ulo ko.
"Mister Pilot?"
Napalingon ako nang may marinig ako na nagsalita saka ko nakita si Arianna na nagkukusot pa ng mata nito habang may yakap-yakap na manika ang isang braso nito at nakayapak ang mga paa.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya habang lumalapit ako sa kanya saka ko siya biglang binuhat para iupo doon sa isa sa mga kitchen stool.
Napakaswerte ko para mabigyan ng ganito ka-cute at kagandang anak. At ang makasama siya ng ganito ang isa sa mga pinakamasasayang araw ng buhay ko.
"Princess, you should wear your slippers because the floor is too cold for you."
"How did you know if you're wearing shoes?"
Gusto kong matawa doon sa witty na tanong niya pero pinili ko na lang na ipatong ang kamay ko sa ulo niya saka sandaling inayos ang buhok niya at inalis ang muta sa mata niya.
"Because I know. So, wear your slippers next time okay?"
Isang tango na lang ang isinagot sa akin ng anak ko saka isang mahabang hikab.
"Don't move here, princess. I'm going to finish making you and your Mom your breakfast."
"You also cook, Mister Pilot?" gulat na gulat na sabi ng bata. "Wow! My Daddy knows how to cook too!"
Natigilan ako doon sa huling sinabi niya at bahagya ring nasaktan.
Oo nga pala. Bakit nawala sa isip ko ang tungkol sa bagay na iyon?
Na hindi pala ako kilala ng anak ko bilang tunay niyang ama.
"I miss my Daddy."
Muli kong nilingon si Arianna habang mahina nitong pinapadyak ang mga paa nito at tila papaiyak na naman ito.
Sa takot ko na baka umiyak na naman siya gaya ng pag-iyak niya kagabi ay mabilis akong bumalik sa harapan niya.
"I can be your Daddy while you're missing your Daddy, princess."
Bago ko pa maisip ang magiging resulta ng sasabihin ko na iyon ay nakalabas na iyon sa bibig ko.
"No! I only have one Daddy and that is my Daddy!" malakas na sigaw sa akin ni Arianna. "I don't need new Daddy!"
Inaasahan ko na papapayag siya sa sinabi ko kahit papaano dahil bata pa siya. Three years old. Kahit na derecho na siyang magsalita, iniisip ko na baka mapapayag ko siya na matawag akong Daddy gaya ng pagtawag niya no'n kay Llyod at dahil ako naman talaga ang ama niya.
Pero nagkamali pala ako.
"Okay. Sorry. Mister Pilot shouldn't said that. I'm sorry."
"Are you mad, Mister Pilot?"
Napatingin ako sa inosenteng mukha ng anak ko bago ako napangiti saka umiling.
"No. Mister Pilot will never get mad at you, princess."
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...