Chapter 20: Llyod's Birthday Party Part 2

19.4K 532 65
                                    

Chapter 20: Llyod's Birthday Party Part 2

Hanna's P.O.V

          Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa bahay nila Llyod—which I haven't visited since I don't know how long—sumalubong na sa amin yung madaming bisita wearing their best formal dresses and suits.

          Mabuti na lang talaga at nag-ayos ako! Kundi mapapahiya ako sa suot ko kung sakali mang di ako nag-ayos.

          We're walking on the red carpet entrance—yes! May ganito pa silang nalalaman!—crossed arms to each other while looking and smiling happily on the flashes of camera.

          Grabe! Para kaming instants celebrity nito! Bakit pa ang daming press dito?! Ano ba 'tong birthday ni Llyod?!

          Sana sinabi nyang may ganito para hindi na lang kami pumunta!

          Nararamdaman ko na din yung inis sa aura ni Viel ngayon. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil sa mga kamera o dahil sa birthday ni Llyod. O baka pareho?

          "Mama Hanna!!!"

          Napalingon kami pareho ni Viel nang marinig ang boses na iyon.

          At tama nga ang hula ko...si Renji nga yung tumawag sa akin. Sya lang naman yung tumatawag ng "Mama Hanna" sa akin eh! Tsk!

          "Nandito pala kayo?!" masayang salubong nya sa amin. "Uy best friend musta na?! Long time no see ah! Ano? Musta ang honeymoon? Kwento mo sa akin mamaya ah? Masakit ba? Sabi ko sa'yo bespren eh! Dapat nagpraktis ka na noon pa lang! Hindi yung nagpatigang ka dyan kay Mama—"

          Hindi na nya natapos yung sasabihin nya nang bigla na lang syang batukan ni Viel.

          Nakalayo na pala kami sa press kaya sa tingin ko wala ng maninita sa kanilang dalawa kung magbaliw-baliwan na naman sila.

          "Aray huh?! Aray naman Viel?! ARAY!" inis at O.A. na sabi ni Renji na para namang hindi nasaktan.

          "Bakit ka ba nandito?!" tanong ni Viel na itatanong ko din sana.

          "Magkaibigan din kami ni Papa Llyod no! Grabe ka naman bespren!"

          Hinatid kami ni Renji sa table namin saka namin nakita doon yung iba pa nyang kasama. Mukhang nakumpleto yata ngayon Trinity X matapos yung kasal namin.

          Kasama namin sa table sila JD at Rina, Ronan at Silky, Sean and Nozomi at syempre si Renji...na nag-iisa lang.

          "Hindi mo kasama si Momi?" tanong ko.

          "Hindi! Pinatay ko na sya! Nasa ilalim na ng lupa! Bwahahaha!"

          Grabe! Hanggang ngayon mukhang wala pa ding improvement yung relasyon ng dalawang iyon.

          Sabagay, bata pa naman si Momi. Mas bata sya sa amin ng dalawang taon. Wala naman sigurong masama kung hindi sya mamadaliin ni Renji di ba? Saka alam ko busy pa syang maging rakista.

          "Ladies and gentlemen, your attention please!"

          Napatingin kaming lahat sa may entrance ng mansyon nila Llyod. Dito kasi sa may garden yung set up ng party.

          'Nakalimutan ko palang bumati sa Papa ni Llyod!' sa isip ko nang makita syang nakatayo doon sa may mini stage na may hawak na kopita at microphone sa mga kamay nya.

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon