Epilogue

30.6K 558 93
                                    

Epilogue

One year after...

Hanna's POV

"DOK ADRIANO, may panibago na naman pong na-admit."

Hinubad ko ang mask na suot ko saka hinarap ang nurse na tumawag sa akin.

"Dengue patient again?"

"Yes, dok. Nabigyan na namin siya ng initial check at nalagyan na rin po ng dextrox. Inakyat na rin po sa ward ang pasyente."

"Kritikal ba ang lagay ng pasyente?" tanong ko habang sinasabayan ako sa paglalakad no'ng nurse na kasama ko saka kami dumerecho sa elevator at pinindot ang floor kung saan nakalagay ang children's ward.

"Nanlalata po ang pasyente at ang sabi ng mga kamag-anak niya, tatlong araw na rin pong walang kain."

"How about the platelet count? Normal pa ba?"

"Mamayang 7:15 PM pa po ang labas ng result."

"I'll go check the patient. Kapag hindi ko nagustuhan ang resulta, palitan na ng electrolytes ang dextrox niya."

"Yes, dok."

Dali-dali kaming lumabas sa elevator nang marating na noon ang third floor saka pumasok sa ward na nasa kanan.

"Nasaan dito ang pasyente?"

"Bed number seven po, dok."

Napakunot-noo ako nang makita na nakasara ang mga kurtina na nasa bed number seven saka ko iyon marahang hinawi para makita ang pasyente na nasa loob.

"Happy twenty fourth birthday, Mama Hanna!"

Napatili ako nang may biglang pumutok sabay may bumagsak na mga confetti mula sa ulunan ko.

"Renji!" hindi makapaniwalang sabi ko. "Ano na naman ba 'to, huh?"

"Happy birthday, Dok Hanna!"

Napalingon-lingon ako sa paligid saka ko nakita ng mga doktor at nurse na katrabaho ko na masayang napapapalpak habang kinakantahan ako ng birthday song.

Yeah. I almost forgot that it's my birthday today. But no one can't blame me.

Magmula nang magtrabaho ako dito sa ospital ni Papa, lagi nang puno ang schedule ko. Bibihira na nga lang ako makakuha ng leave dahil na rin sa maya't-maya ang tawag sa akin. Kahit nga sa alanganing oras, may trabaho pa rin ako.

But I take that as a good opportunity para mawala sa isip ko ang mga bagay na magpapa-depress lang sa akin o maisip ang mabagal na pagtakbo ng oras habang naghihintay sa pagbabalik niya.

Napapailing na lang ako sabay napapangiti habang inaalis ang ko ang mga confetti na nasa sumabit buhok ko.

"Akala ko pa naman talaga may pasyente ako dito. Maling ospital ang pinagdalhan sa pasyente na nasa bed number seven. Sa mental asylum dapat dinadala 'to," sabi ko doon sa mga kasamahan ko.

"Grabe ka sa akin, Mama Hanna! Ikaw na nga sinu-surprise, ikaw pa may ganang magsalita ng ganyan!" umarte pa si Renji na akala mo ay nasasaktan talaga ito. "Mga nurse na single! Alagaan n'yo nga ako! Single rin ako, mayaman at ubod ng pogi—"

"Please stop lying to our nurses. Hindi sila nauuto sa yaman mo at kapogian mong wala naman."

"Ay, grabe ka na talaga, Mama Hanna! Isang taon pa lang ang lumilipas pero ang galing mo ng manakit ng kapwa mo! Doktor ka ba talaga? Ganito ba ang tinuturo sa ospital na 'to, huh?"

Hindi ko na lang siya sinagot habang nagtatawanan naman ang mga kasamahan ko maging ang ibang pasyente na nakarinig sa sinasabi niya saka ako muling napalingon-lingon sa paligid.

"Ikaw lang ang nandito?"

Kadalasan kasi, kapag ganitong okasyon, kasama lagi ni Renji sila JD, Sean at Ronan pati na rin ang mga asawa nila na naging kaibigan ko na rin sa Westside. Kahit si Kuya at Papa wala rin dito para i-surprise ako. Even my daughter Arianna.

"Nasa may restaurant na sila. Ikaw na lang ang hinihintay. Pumunta lang ako dito para i-good time ka—este i-surprise at sunduin ka."

"Hindi mo na naman ako kailangan pang i-surprise saka bawal akong mag-out ngayon. Wala pa akong ka-reliever na pedia. Saka sana t-in-ext o tinawagan mo na lang ako para hindi ka na naabala."

"Kung ganoon ang ginawa ko, 'di mas lalo kang hindi makakapunta? Sige na, Mama Hanna! Minsan ka lang mag-birthday! Saka sasayangin mo ba ang effort ko na i-surprise ka maging 'yung pagpunta ko dito? Grabe ka na talaga! Hindi mo na ba ako mahal?"

Pinaikot ko na lang ang mga mata ko doon sa OA sa drama na sinabi ni Renji.

"Dok Hanna," tawag sa akin ng nurse na kasama ko kanina at kasama rin ni Renji para gawing kakontyaba sa birthday surprise na ito. "Tinawagan na po namin si Dok Torelba. Willing daw po siyang mag-reliever sa inyo."

"Talaga?"

"Opo. Saka birthday n'yo naman daw po kaya may go signal na po kayo na umalis kasama ang kaibigan n'yo."

"Ate Nurse ang ganda mo d'yan sa sinabi mo," nagulat ako nang makita na nakalapit na si Renji doon sa nurse na kausap ko sabay inakbay pa nito dito ang braso nito dito. "Gusto mong mag-date tayo? Maganda ka, pogi ako. Bagay tayong dalawa."

"Pasensya na po, Sir, pero may asawa na po ako."

Sumama ako sa mga katrabaho ko na pagtawanan si Renji.

"Tse! Akala mo naman type kita? Hindi 'no! Joke lang kaya 'yun! Assuming ka naman masyado, Ate Nurse! D'yan ka na nga!"

Pinanood ko na lang si Renji na maunang lumabas sa children's ward saka ako nagpasalamat doon sa mga kasamahan ko bago napapailing na sinundan si Renji sa labas.

"Renji, sandali lang!" tawag ko sa kanya nang makapasok na siya sa elevator.

Pero ngumisi lang siya sa akin saka kumaway pa ng pamamaalam at hindi ko na siya naabutan at tuluyan na akong napagsarahan ng pinto.

"Nakakainis! Akala ko ba sinundo niya ako tapos hindi man lang ako hinintay sa elevator?"

Pero kasabay nang pagsabi ko na iyon ay ang biglang pagtunog ng kabilang pinto ng elevator.

"Oh god! Thank goodness!" natutuwang sabi ko. "Makikita mo ang hinahanap mo sa akin mamaya, Renji!"

Tumayo ako sa harapan ng elevator para hintayin ang pagbubukas noon saka inalis ang natitirang confetti na dumikit sa buhok ko.

Nang marinig ko ang pagbukas ng elevator ay binalik ko na ang tingin ko doon saka unti-unting nanlaki ang mata ko nang makita ko ang nag-iisang taong nakatayo sa loob noon at may hawak na isang bouquet ng bulaklak.

Nag-angat ng tingin niya sa akin ang lalaki sa loob ng elevator saka siya dahan-dahang ngumiti sa akin.

"Happy birthday, Hanna."

Nailagay ko sa tapat ng bibig ko ang dalawang kamay ko saka isa-isang nagbagsakan ang mga luha sa mata ko na matagal kong itinago sa loob ng isang taon.

Sa wakas.

Sa wakas.

Nagbalik na siya.

—— FIN ——

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon