Chapter 21: Cruelty
Hanna's POV
"SAAN ka galing? Kanina pa kita hinahanap ah!"
Bigla akong napaangat nang tingin nang may makita akong bulto ng isang lalaking naka-suit sa harapan ko. At sa pag-angat ng tingin ko, sinalubong ako nang nag-aalalang mga mata ni Viel.
Ilang beses lang akong nakatingin sa kanya saka ko sinubukang ngumiti para sa kanya.
"Wala. Medyo nag-ayos lang ako sa may banyo."
"Wife, sabi ko naman sa'yo kahit hindi ka na mag-ayos, maganda ka na para sa mata ko," sabi ni Viel saka niya hinawakan at tinitigan ang buong mukha ko. "I love you, Hanna."
Hindi ko alam pero may bigla na lang akong naramdaman na malakas na sipa sa may dibdib ko nang marinig ko ang mga salita na iyon mula sa bibig niya.
Oh how I hate myself for feeling sorry sa aking ex-boyfriend na si Lloyd gayong nandito lang din naman sa iisang lugar ang asawa ko and saying how much he loves me.
I feel like I already cheated on Viel nang makaramdam ako ng sakit para sa pagtanggi ko sa sinasabi ni Llyod na pagbalik ko sa kanya.
I know in my heart that I only love Viel pero hindi ko maiwasan na makaramdam ng sakit kapag nasasaktan ko ang ibang tao na mahalaga sa akin especially Llyod who played a very important role sa buhay ko bago ko pa nakilala si Viel.
"Hanna?"
Muli akong napatingin sa mukha ni Viel saka marahang iniling ang mukha ko.
Fix yourself, Hanna! Ano ka ba? May asawa ka na and he loves you so much! Kaya please lang! Focus on that fact. Hindi mo na dapat kinakausap pa si Llyod! At mas lalong hindi ka na dapat nasasaktan para sa kanya! sermon ko sa utak ko.
"Sorry, hubby. Medyo nahihilo lang ako," pagsisinungaling ko.
Pero hindi ko rin masasabi na nagsisinungaling nga talaga ako. I suddenly feel nauseated sa lugar na ito. Na para bang bigla na lang sumisikip ang paligid ko.
I want to get out of this place right now.
"Gusto mo na bang umuwi?" nag-aalalang tanong sa akin ni Viel saka niya biglang inakbay sa balikat ko ang isang braso niya.
"H-hindi," nauutal na sabi ko.
Tama. Hindi pa ako pwedeng umalis. Kakarating lang namin dito. Hindi ako pwedeng umalis na tumakbo na lang ulit dahil lang sa may problema ako.
Ayokong gawin 'yong pagkakamaling nagawa ko noon kay Viel na basta na lang pagtalikod sa kanya dahil lang sa nahihirapan ako sa sitwasyon naming dalawa.
I want to stay. This is Llyod's birthday after all. Ito na nga lang ang huling pabor na pwede kong magawa para sa lahat ng tulong na nabigay niya sa akin noon tapos aalis pa ako ngayon?
"Maya-maya na lang siguro tayo umalis," sabi ko matapos kong mag-angat ng tingin kay Viel.
"Sigurado ka?"
Isang matipid na ngiti at tango na lang ang ibinigay kong sagot sa kanya.
"O, sige. Mamaya na lang. Tutal naman mukhang papauwi na rin sila JD at Rina. Sumabay na lang tayo sa kanila mamaya."
BINABASA MO ANG
My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And he becomes strong for the two of them. To fight for what was his. But, when they got the chance to b...