Chapter 49: Meeting with the Queen Part 1

15.5K 374 59
                                    


Chapter 49: Meeting with the Queen Part 1

Hanna's POV

MATAPOS NANG pag-iiskandalo ni Erika sa hotel at dahil sa nawalan na rin ng gana ang lahat na magpatuloy pa sa pagbabakasyon, napagpasyahan na lang namin na bumalik na lang sa Manila.

Pero sa pag-alis naming iyon, hindi naman kasama si Viel kaya napilitan akong sumabay kay Llyod.

Hindi ko alam kung ano pa ba ang kailangan nilang gawin ni Erika doon o bakit kailangan nilang magpaiwan. Pero kung ano man iyon, nasasaktan lang ako na makita silang dalawa na magkasama.

Nasasaktan ako sa tuwing maiisip ko ang realidad na tama si Erika. Na wala na akong karapatang maghabol pa kay Viel dahil legal na mag-asawa ang dalawa.

At ang nabuong desisyon sa utak ko na pagsama kay Viel at iwan na lang ang lahat sa likuran ko ay malaking kabaliwan. Dahil kahit ano pang gawin ko, kahit sa pagsasama naming muli ni Viel kami magiging masaya, sa bandang huli...

Isa lang akong kabit.

Nandito kami ngayon sa bahay namin kasama sila Llyod, Kuya Alex at Arianna.

Nagkausap na rin kami ni Llyod. Na kahit na alam niyang tama ang lahat ng pagbibintang at masasakit na salita na binitawan ni Erika sa akin, mas pinili pa rin niya akong kampihan at ipagtanggol gaya ng nararapat na gawin ng isang mabuting asawa.

Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo, Hanna? Gusto mo ba talagang sirain ang buhay ni Viel, ang buhay ni Llyod at ng pamilya mo? Gusto mo bang maagang magkaroon ng broken family si Arianna huh? sermon ko sa isip ko.

Ngayong nandito na muli si Erika, ang tunay na napangasawa ni Viel, muli na naman akong nagdadalawang-isip sa dapat kong gawin.

Ayoko ng saktan si Llyod. Ayoko ng saktan ang sarili ko. Ayoko ng lokohin ang anak ko. Ayoko ng gawing mas miserable pa ang buhay ko at magising sa bawat umaga na nagsisisi sa mga nagawa kong mali sa buhay ko at kung bakit hindi ko sinubukang lumaban.

Pero tama ba ang mga naiisip ko? Tama ba na lumaban pa ako? Tama ba na sirain ko ang buhay ng iba para lang sa pansarili kong kaligayahan?

Tama ba na sirain ko 'yung pamilya na nakikita ng nag-iisa kong anak ngayon?

Tama ba na sundin ko lang ang puso ko at piliing mahalin si Viel kahit na bawal?

Tama ba 'tong naiisip mong solusyon, Hanna? Tama ba?

"Hanna."

Napatingin ako kay Kuya Alex na kasalukuyang lumalapit sa pwesto ko dito sa dating kwarto ko sabay abot sa akin ng wireless telephone sa bahay.

Siya nga pala, sa tatlong taong pagsasama namin ni Llyod sa ibang bansa, pinili ni Kuya na dumito na lang sa Pilipinas kahit pa nga nasa New York na rin siya naninirahan noon kasama si Papa nang matapos ang tungkol sa kanila ni Rina.

Alam ko na kahit hindi nagsasalita si Kuya, alam ko na gusto pa rin niya si Rina. Na mahal pa rin niya ito sa kabila ng pagiging kasal ni Rina kay JD at pagkakaroon nila ng sarili nilang pamilya.

"Kuya, paano mo nagagawa 'yan?"

"Nagagawa ang alin, princess?" nagtataka at kunot-noong tanong nito sabay naupo sa tabi ko sa ibabaw ng kama.

Nasa may guest room sila Arianna at Llyod ngayon na kasalukuyang natutulog dahil na rin sa pagod no'ng dalawa kakalaro sa may garden sa likod bahay. Kasalukuyan kaming nasa guest room namamahinga dahil iyon lang ang kwarto sa bahay na may pinakamalaking kama sunod sa master bedroom na gamit ngayon ni Kuya.

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon