Chapter 17: Competition

19.9K 468 15
                                    

Chapter 17: Competition

Llyod's P.O.V

          "Ito pa Lloyd o kumuha ka pa!" alok sa akin ni Hanna nung pagkain na inihanda nya sa mesa.

          "Thank—"

          "Hanna ako din!"

          Tiningnan ko ng pailalim yung si Viel.

          Tsk! Kanina pa 'to ah! Nakakaasar na! Napapansin ko na sa tuwing aasikasuhin ako ni Hanna, manggugulo sya. Eepal! Ganoon!

          "O!" sabi ni Hanna sabay lagay ng pagkain sa plato nila ni Viel.

          "Salamat!" ngising aso naman yung loko sabay tingin sa akin at ngumiti.

          'Tsk! Nang-asar ka pa talaga huh?!'

          Hindi ko maintindihan kung bakit ako nauwi sa sitwasyon na 'to. Wala naman akong balak magtagal dito sa kanila at makipaglunch sa kanila eh!

          Itong si Viel lang talaga yung panggulo!

[Flashback]

          "O sige Hanna, aalis na ako."

          "Huh? Kakahanda ko lang ng lunch tapos aalis ka na?"

          "Sorry. Next time babawi ako. May lakad pa kasi ako eh!"

          Papaalis na ako noon ng biglang hawakan ni Viel yung balikat ko.

          "Bakit hindi ka muna magtanghalian dito Llyod? Masarap magluto si Hanna."

[End of Flashback]

         

          Ngiting aso na sya noon eh! Halata ko na may balak syang hindi maganda kaya nya ako pinigilang umalis. Samantalang nung dumating ako, halos itulak na nya ako palabas!

          'Nakakaasar ka talaga Viel!' sa isip ko.

          Napaka-awkward ng sitwasyon ko ngayon. Kasama ko lang namang kumakain yung ex girlfriend ko at asawa nya na dating best friend ko na naging best friend ko na naman ulit.

          Napangisi ako sa sarili ko nang may bigla akong maisip.

          'Ito pala gusto mo huh?'

         

Hanna's P.O.V

          Tinitigan ko ng masama si Viel.

          Nung nauso ang word na PDA, sure na sure na ako na sya ang pasimuno noon!

          Grabe! Hindi man lang sya nahiya kay Llyod! Harap-harapan nya akong nilalandi! Oo! Sya lang! Hindi ko sya pinapatulan! Kailan ko ba pinatulan kakornihan nito sa buhay?

          Nandyan yung nagpapababy sya. Yung nagpapasubo pa ng pagkain sa akin. Kapag hindi ko naman sinunod, nagagalit! Nananapak ng paa ko na nasa ilalaim ng mesa!

          Grabe! Parang bata! Umatake na naman pagiging bipolar nya!

          Kung may gamot lang para sa bipolar, bibilhan ko si Viel ng isang dosena para kahit papano, tumino sya!

          "Hanna!"

          Napalingon ako kay Llyod ng tawagin nya ako.

          "Bakit—"

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon