Chapter 8: Celebration

27.4K 556 24
                                    

A/N: Happy reading sa lahat! Sana magcomment po kayo nee?

Chapter 8: Celebration

Hanna's P.O.V

          "Congratulations!" malakas na sigaw nung rest ng Trinity X at saka nila sabay-sabay pinaputok yung mga bote ng champagne at masaya iyong inikot-ikot sa mga bisita para mabasa sila ng champagne.

          'Mga baliw talaga...' sa isip ko saka natawa.         

          "Something funny?" nakangiting sabi sa akin ni Viel.

          "Wala naman..." sabi ko saka nakatingin sa naghaharutang mga isip-batang Trinity X. "Ang lungkot naman sa pwesto natin. Sino ba nagpauso na sa harap tayo umupo?"

          Nagkibit-balikat lang sya sa akin saka nya din tinitigan yung mga kaibigan.

          Napatingin naman ako kay Viel. "Hindi ka ba malulungkot? Malalayo ka na sa kanila."

          Marahang ngumiti si Viel saka napatingin sa akin. "By the moment I enter the church, wala akong pinagsisihan Hanna..."

          Napangiti naman ako sa sinabi nya. Pinigilan ko ang sarili ko na magblush. I think I just did. Pasalamat na lang siguro sa blush on na nakalagay sa pisngi ko kaya hindi nya yun masyadong mahahalata.

          Viel never miss to make my heart beats sa mga corny nyang pick up lines.

          Sya nga pala, nandito na kami sa may reception area—sa may bahay namin, I mean sa bahay na binili para sa akin ni Viel nung maghiwalay kami after college—at kasalukuyang sinecelebrate yung kakatapos na church wedding namin.

          Yes, Viel and I finally got married. And this time, hindi si JD ang nagkasal sa amin kundi totoong pari na.

          Natatawa pa din ako kapag naalala ko yung 'kasal-kasalan' namin doon sa may beach.

          But to tell you honestly, ginulat talaga ako ni Viel doon. Hindi ko akalaing aabot sa ganoon ang kakornihan nya sa buhay.

          And that is the best corny thing he did for me.

          Wala sa loob na inabot ko ang kamay nya kaya napatingin ulit sya sa direksyon ko. He smiles at me and same with me too.

          "Thank you for staying Viel..." seryosong sabi ko habang hawak-hawak ko yung isa nyang kamay.

          Actually, ayaw kong umiyak. Pero sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon, hindi ko mapigilang maluha. This is all too much. Ang saya-saya ko talaga ngayon!

          Sino ba naman kasing mag-aakala na aabot kami hanggang dito? Sa dami ba naman ng pinagdaananan namin ni hindi pumasok sa utak ko ang makasal kay Viel...legally.

          Ilang beses na nga akong sumuko eh! Pero sya hindi. Never syang naggive up sa akin. Never nya akong binitawan. At sobra-sobra ang pasasalamat ko kay Viel for holding on. Dahil kung hindi nya nagawa iyon, I don't think na magiging ganito ako kasaya ngayon.

          "Ano ka ba Hanna! Kanina ka pa iyak ng iyak! Malas yan!" natatawa nyang sabi saka marahang pinahid yung mga luha sa mata ko. "Ikaw yata yung nagsisisi na kinasal ka sa akin eh!" pabirong sabi nya.

          Natawa ako sa huling sinabi nya. "Parang ganoon na nga!"

          "Ano?!" Hahaha! Sabi na at ganito yung reaksyon nya eh!

My Ex, My Husband (My Ex, My Professor Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon