131 Years Book Giveaway

1.7K 71 96
                                    

POSTED ON MAY, 2021. TAPOS NA PO ANG GIVEAWAY NA 'TO. KINDLY DISREGARD.

THANK YOU!

***



Magandang araw! Nais ko lang ibahagi sa inyo na nalalapit na ang araw kung saan ma-pupublish na ang '131 Years' at dahil mayroon na siyang over 30,000 reads at halos 2k na votes, nais ko kayong pasalamatan sa pamamagitan ng pagbigay ng TATLONG free book oras na ma-publish na ito.

Yes, lahat tayo ay may pagkakataon na magkaroon ng libro at mailagay sa ating bookshelf. Mababasa na natin sina Dalia, Vicente, at Immanuel na maninirahan sa pagitan ng mga pahina at nabubuhay sa ating imahinasyon.

Paano mananalo? Kailangan niyo lang sagutin ang tatlong katanungan na nasa ibaba at kayo lang ay mag-cocomment. Sa comment section lang po ako pipili ng mananalo para fair sa lahat.

Ako mismo ang mag-memessage sa mga mananalo dito sa wattpad. Hanggang June 20, 2021 po ang giveaway na ito para naman magkaroon din ng pagkakataon ang mga new readers kung sakali.

Narito ang mga katanungan na dapat ninyong sagutin:

1. Paano naipakita/sinalamin ng nobela ang kahalagahan ng ating kasaysayan?

2. Bilang mambabasa ng '131 years', paano ninyo ma-aapply ang mga aral na inyong natutunan sa nobela sa totoong buhay?

3. Kung may pagkakataon kayo na baguhin ang kahit anong parte ng nobela, ano iyon at bakit?

Bonus Question: Kung ikaw si Dalia Erasquin, sino ang iyong pipiliin? Si Manuel 'o Vicente? At bakit? 😂

Muli, sa comments niyo lang po ilagay ang inyong mga sagot. Kung masyado itong mahaba, maaari ninyo itong dugtungan lang ulit sa comment. Babasahin ko iyan lahat kahit gaano kahaba.

I-aannounce ko sa aking wattpad profile ang mga mananalo sa June 20. Kung kayo ay papalarin, ang inyong mapapanalunan ay libro, postcard, bookmark, at freebie mula sa'kin. May pirma po ito lahat at dedication.

Goodluck sa mga sasali at maraming salamat sa pagbabasa ng aking nobela. Sa mga magbabasa pa lang, ihanda niyo na ang sarili ninyo. 😉

Nagmamahal,

-Nicole Anne

131 Years (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon