Kabanata 4

5.1K 195 136
                                    


Pagkababa ko ng hagdan ay may sumalubong sa akin na matandang lalaki na nasa edad 40 mahigit. Noong makita niya ako ay sumama ang tingin niya. Nakasuot siya ng puting damit na hanggang braso lang ang haba at may tobacco rin sa bibig niya.

"Mag-uusap tayo mamaya, Rosenda."

Kung hindi ako nagkakamali, siya iyong tatay ko rito. Napatingin ako sa family picture nina Rosenda sa gitna ng hapagkainan. Tama nga. Hay! Nang dahil sa babaeng ito ay napahamak ako. But I need to do this and focus. Kailangan kong patayin ang salinlahi ng pumaslang sa akin sa modern world para mailigtas ang sarili ko, pati na rin si Rosenda at ang mga nauna sa akin na ninuno ko.

Paano ko kaya papatayin? Siguro ay lalasunin ko na lang. Pero dapat ay hindi labag sa kaniyang loob na papatayin ko siya. Paano 'yon? Bago ko siya patayin ay magpapaalam ako? Hay, nako! Bahala na nga!

Pumila na sa may pintuan ang mga kasambahay namin dito, at saka nag-bow. May dalawang matangkad na lalaki ang dumaan at pumasok sa bahay namin. Iyong nauna ay isang matanda na nasa edad 50 at nakasuot ito ng black general outfit. Iyong kasunod niya ay iyong Vicente na bagong heneral daw rito. Brown naman ang uniform na suot niya ngayon. Wow! Hindi ko alam na may mga ganito pala na ka-guwapo noon.

"Buenas noches, Gobernador general y general," (Goodevening, governor-general and general). pagbati ni Don Fabio. Alam ko na ang pangalan niya dahil ilang beses ko na itong narinig sa mga nakasalamuha ko.

"¿Cómo está tu familia? ¿sabía usted acerca de el ataque de los rebeldes?" (How is your family? Did you know about the recent attack of the rebels?) tanong naman ng matandang Gobernador-heneral.

"Sí. Pero no te preocupes la noche es larga hablemos de eso más tarde después de la cena." (Yes, but do not worry, the night is long. Let us talk about that later after dinner). Niyaya na ni Don Fabio ang dalawa sa hapagkainan. Hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi nila. For sure ay pinag-uusapan nila ang mga kagagahan na pinaggagagawa ko.

"Magandang gabi, Doña Macaria, G. Antonio, at Bb. Rosenda. Ikinalulugod kong muli kayong makita," pagbati ng Gobernador-heneral. Teka! Ano ba ulit 'yung pangalan niya?

"Magandang gabi rin po, Hen. Lucio," sabi naman ni Antonio at saka ito nag-bow. Siniko naman niya ako.

"Ano?" tanong ko. Pinandilatan niya ako na wari'y sinasabi na bumati ako sa aming mga bisita bilang paggalang.

"Good evening. Magandang gabi po, Heneral!" pagbati ko. Nag-bow pa ako pero nauntog ako sa braso ni Doña. Nakakahiya!

Pagkatapos niyon ay umupo na kaming lahat sa dining area. May malalaking candle holder sa gitna at babasagin din ang mga plato at baso rito. May mga nakahain ding pagkain katulad ng Kaldereta, manok, sabaw, pancit, baboy, at iba pa. May iba't iba ring uri ng alak. Ang lakas naman maka-noche buena sa pamilyang ito! Kung ganito araw-araw ang ihahain ay malamang hindi na ako babalik sa taóng 2020.

Takam na takam na ako at kukurot na sana ako sa balat ng manok habang nakalabas pa nang kaunti ang dila ko, pero pinalo ni kuya Antonio ang kamay ko. Kung ganito ang gagawin nina Delilah at Carlo sa akin ay paniguradong masasabunutan ko sila.

Katabi ko sina kuya Antonio at Doña Macaria. Nasa kabisera naman si Don Fabio. Ang katapat namin ay si Gobernador-heneral na si Lucio at ang anak niyang si Vicente. Bale, ang katapat ko ngayon ay si Vicente.

Nagdasal muna sila bago kumain at ako lang ang nanatiling nakadilat ang mga mata. E, hindi ako sanay at saka, gutom na ako.

"Halina't kumain na tayo," sambit ni Don Fabio.

131 Years (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon