Binitawan ko iyong hawak kong diyaryo at saka, tumakbo. Habang tumatakbo ay napakaraming kalesa sa may kalsada. May ilang lalaki rin ang may buhat-buhat na mga paninda. Ang ilan naman sa kababaihan ay abala sa pagluluto at pagpaypay ng mga pagkain. Ang mga buiĺding dito ay hindi ganoon kataas na kagaya ng aking nakasanayan. Ang kalsada rin ay purong lupa lamang. Ang lahat ng tao rito ay may kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan.
Napatingin ako sa suot ko. Nakasuot pa rin pala ako ng red gown na siyang isinuot ko noong Senior's Ball. Wala na rin akong dugo sa katawan at nahahawakan ko na ang sarili ko. So it means, buhay na ako? Baka, nananaginip lang ako.
Pinagtitinginan ako ng mga tao dahil siguro sa suot ko. Napayakap na lang ako sa aking braso at nahihiyang naglalakad nang mag-isa. Ano na'ng gagawin ko? Ito na ba ang 'afterlife'? Pero kung ito na nga ang afterlife, bakit ang dami pa ring busy? Hindi ba dapat ay chill lang?
"Ano ba naman 'yang kasuotan mo, hija?" tanong ng isang matandang babae nang mapadaan ako sa kaniyang tindahan. Nagbebenta ito ng mga isda at gulay.
"I'm wearing a gown. Nanggaling ako sa isang grand ball. Nanay, puwede n'yo po ba akong tulungan? I think, I am lost. Nasaan po ba ako?"
"Ano kamo ang sinabi mo, Hija?"
"I mean, nasaan po ba ako ngayon? Naliligaw po kasi ako," paglilinaw ko.
Nanginginig na ako sa takot at confusion. Daddy, nasaan na ba kayo?
"Nasa bayan ka ng De la Vega, Hija. Teka. Parang pamilyar ka."
"Po?" tanong ko.
"Vergilio!"
Tinawag niya ang lalaking nakasuot ng sando at pawis na pawis. Nagbubuhat yata ito ng isang banyera ng isda.
"Bakit, Manang?"
"Namumukhaan mo ba ang batang ito? Pamilyar siya sa aking paningin."
"Ay, oo! Siya 'yong anak ni Don Fabio. Rosenda. Rosenda ba ang 'yong pangalan, Binibini?"
"N-No!" sagot ko.
"Ano raw ang sabi niya?" tanong ng matanda.
"Hindi. Hindi ko po kilala si Rosenda---"
Wait. Rosenda....
Saka lang bumalik ang mga nangyari sa akin. Naalala ko na si Rosenda. Siya iyong kamukhang-kamukha ko sa picture na nakita ko kay Lola. Ang ibig sabihin, nasa taon ako kung kailan nabuhay si Rosenda. Oh, no! Ang naaalala ko ay ni-re-revive na ang katawan ko sa ospital. Pagkatapos noon ay may pwersang tumulak sa akin at pagkagising ko ay nandito na ako.
"Maraming salamat po," sambit ko sa kanila.
"Sandali lang, Hija," sabi ng matandang babae. Binigyan niya ako ng maliit na kumot sabay sabing, "Labis akong nagtataka kung bakit ganiyan ang iyong kasuotan. O, heto. Gawin mong balabal upang hindi ka tingnan ng kalalakihan."
"Salamat po," saad ko.
Kinuha ko iyong puting tela at ibinalot iyon sa aking braso. Natakpan na kahit papaano iyong dibdib ko. Kung alam ko lang na mapupunta ako sa panahong ito, sana naman ay nagsuot na lang ako ng gown na pa-turtle neck. Nakakaloka!
Naglakad ako nang naglakad hanggang sa may makita akong malaking arko. Binasa ko ang nakasulat dito: 'Maraming salamat sa pagbisita sa bayan ng De la Vega.'
So, nakaalis na ba ako sa bayan na ito? Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta, e. Ang alam ko, kailangan ko nang makauwi papunta kina Daddy. I refuse to believe na totoo ito. Maybe, I am drugged o isa itong 'astral projection' na kung saan ay puwede akong makapunta sa saan mang lugar.
BINABASA MO ANG
131 Years (PUBLISHED)
Historical FictionDalia Erasquin, isang babae mula sa modernong panahon ay napatay ng hindi niya kilalang salarin. Upang matukoy ang dahilan ng kaniyang pagkamatay, kailangan niyang bumalik sa taong 1889. Buhat ng isang misyon at pag-asang malaman ang katotohanan, sa...