Kabanata 43

2.4K 129 123
                                    





"Nasaan sina kuya Antonio at Leonardo?" tanong ko kay Vicente habang sabay naming pinagsasaluhan ang isang karne ng baboy na kaniyang kinatay. Alaga raw iyon ni padre Alvaro. Pinahintulutan naman daw siya nito na katayin ang mangilan-ngilan niyang alagang hayop sa likod ng kubo kung kinakailangan.

"May sinundo sila papunta rito," tugon niya.

"Ha? Sino raw?

"Malalaman mo," pangisi-ngisi pa siya habang abala sa pag-kain.

Tatanungin ko pa sana ulit si Vicente hanggang sa narinig ko na ang mga boses na nagmula sa labas. Bumukas ng pinto na gawa sa kawayan at tumambad sina Leonardo, kuya Antonio, Julieta, at Miguel.

"KUYA!!" hiyaw ng dalawang magkapatid saka nila niyakap ang kanilang kuya. Parehas silang hindi magkamayaw ngayon matapos ang ilang buwan nilang 'di pagkikita.

"Julieta, Miguel, napakasaya ko at narito kayo ngayon," saad ni Vicente habang yakap-yakap ang dalawang kapatid. "Kumusta kayo? Maganda ba ang pagtrato sa inyo sa Bulakan?"

Tumango silang parehas. Maluha-luha ang dalawa lalo na sa sinapit ng kanilang kuya at ng kanilang ama sa kamay ni don Jaime. "Ibig ka na namin makapiling, Kuya," ani Julieta. Suot niya ang isang asul na saya kaya litaw na litaw ang kutis niya. Si Miguel naman ay naka-brown na kamiso.

"Ngunit batid niyo naman na panandalian lang kayo rito dahil sa isang mahalagang okasyon," sabad ni Leonardo. "Tayo'y maging masaya na lang dahil magkakasama tayo ngayon kahit papaano."

Inakbayan ni Miguel ang kaniyang kapatid. "Tama! At maraming salamat sa inyo, kuya Leonardo at Antonio na kahit pa masukal ang tatahakin na daan sa kabundukan na ito ay masugid niyong kaming tinulungan upang makita si kuya Vicente." Masayang saad nito.

"Mabuti na lamang at alam ni Leonardo ang lihim na lagusan sa bahagi ng kabundukan na ito kaya naman nakalusot tayo sa mga guardia civil na nakapalibot ngayon sa bayan," giit ni kuya Antonio na ngayon ay nakaupo sa silya habang nagpupunas ng pawis.

"Hapong-hapo nga itong si Julieta at hindi sanay sa ganoong daanan. Paano ba naman ay prinsesa ito sa aming tahanan," tudyo ni Miguel sa kapatid.

Sa gitna ng pag-uusap nila, bigla akong natigilan dahil naalala ko 'yung sinabi ni Leonardo na mahalagang 'okasyon' kung kaya't napatakbo ako sa maliit na silid at tinignan ang petsa sa nakasabit na kalendaryo.

Ika-29 ng Agosto.

Ibig sabihin ay kaarawan na ni Vicente bukas!

Lumabas ako ng silid at nagpanggap na hindi ko alam ang okasyon na tinutukoy nila. Napatakbo naman sa akin si Julieta saka napayakap sa akin. "Ate Rosenda!" masaya niyang pagbati.

Hinaplos ko ang ulo niya. "Kumusta, Julieta?"

"Inakala namin na hindi na kita makikita muli, Ate Rosenda, nais pa naman din kita maging asawa ng aking kuya," pakli niya.

"Kailan ba ang kasalan?" tanong naman ni Leonardo at lahat ay napatingin sa kaniya. May hawak na naman siyang isang bote ng lambanog at may nakaipit na sigarilyo sa pagitan ng kaniyang labi.

"Batid mo naman ang kaguluhan na nangyayari sa ating bayan ngayon," paalala ni kuya Antonio sa kaniya na mukhang walang tulog dahil sa paghihilik ni Leonardo.

"May dalaw ka ba, Anton? Ke aga-aga nakabusangot ka, a!" buwelta naman ni Leonardo.

Tinulak siya nang marahan ni kuya Antonio. "At ikaw pa ang may ganang magtanong kung bakit nakabusangot ako? Baka nakakalimutan mo ang paghihilik mo kagabi at dinaig mo pa ang mga baboy sa likod ng kubo na ito. Marapat siguro na doon ka nalang mahimbing mamaya kasama nila," naiinis na sinabi ni kuya Antonio.

131 Years (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon