Kabanata 45

2.4K 132 123
                                    



Third Person's Point of View





MANILA, 2016


Tahimik na nagdarasal si padre Alvaro sa maliit niyang silid sa likod ng simbahan. Ang isang rosaryo ay hawak niya sa kamay na nakadaop-palad habang nakaluhod at nakapikit ang mga mata.

Nang matapos siyang magdasal ay napatingin siya sa imahe ni Hesus, humingi siya ng lakas upang maging instrumento at gabay sa mga taong nagdurusa sa t'wing lumalapit ito sa kaniya.

Nawala ang atensiyon niya sa imaheng tinitignan nang marinig niyang may kumatok sa pinto. Napatayo siya at saka maingat na inilapag ang rosaryo sa lamesa. Binuksan niya ang pinto at tumambad ang isang binata sa kaniyang harapan.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya sa hindi inaasahang presensya ng binatilyo.

"Ganyan ba ang pagsalubong mo sa iyong kaibigan, Alvaro?" tanong nito sa kaniya. Siya mismo ang nagbukas ng pinto at pumasok nang walang paalam.

Natural na pilyo ang binatang ito. Sa isip-isip ni Alvaro.

Sinara ng kura ang pinto, pinagmasdan niya ang binata na umupo sa silyon at saka itinaas ang paa sa lamesa. "Kumusta ka?" tanong nito sa kaniya.

"Maayos ang aking kalagayan hanggang sa dumating ka," buwelta ng pari.

Napatikhim ang binata. "Para namang wala tayong pinagsamahan niyan, Alvaro." Tugon nito.

"Ano ba ang pinunta mo rito, Idrelle?" usisa ng pari.

Tumayo si Idrelle at naghanap ng isang bote ng alak. Nang masipat niya ang isang bote ng alkohol na nakapatong sa tukador ay kinuha niya ito saka nilagok. Muli siyang umupo sa silyon at dumekwatro. "Nabalitaan ko na umubra ang hiling ni Vicente para kay Dalia," saad nito.

"Si Tope ba kamo?" tanong ng pari na napaupo na rin. Alam niyang mahaba-habang usapan ito.

"Si Tope, Si Vicente, kahit sino. Iisa lang naman sila." Saad nito sabay lagok muli sa bote ng alak. "Masarap ito, ha?" komento pa niya.

"At nasaan si Vicente ngayon?" tanong ng pari.

"Ayon, nagpapakasubsob sa trabaho. Mukhang ilang araw nang walang tulog at kain. Nakakalungkot, para siyang sinumpa nang dalawang beses."

"Pinili niyang iligtas si Dalia," saad ng pari.

Ngumisi si Idrelle. "Para ano? Upang bumalik si Dalia sa taong 1889 matapos ang apat na taon para lang paslangin siya? Hindi ako makakapayag. Masiyado nang masalimuot ang karanasan ni Vicente sa mundong ito. Nakita niya kung paano mamatay ang mga magulang nito sa harap niya, nakita niya kung paano tumanda ang mga kapatid niya at mauna sa kaniya," napahinga siya nang malalim. "Isa pa, kinakailangan niyang taguan sina Miguel at Julieta dahil napapansin ng dalawa na hindi nagbabago ang kaniyang hitsura. Hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na matunghayan ang paglaki ng mga pamangkin niya—maging ang mga anak nito. Nandito pa siya sa lupa pero tila impyerno na ang dinanas niya."

"At ano'ng gagawin mo? Tatapusin mo ang buhay ni Dalia?" tudyo ng kura.

Natawa si Idrelle. "Padre, hindi ako mamamatay tao. Kita ko naman sa mata ni Dalia ang kalungkutan kagabi noong magkita kami sa isang bar sa Quezon City. Akalain mo iyon? Inibig niya ang lalaking sinumpa niya? Que mierda! " bumulalas ang tawa mula sa binata.

"Ano'ng masasabi mo kay Dalia ngayon?" tanong ng pari na nagiging interesado na sa pinag-uusapan nila.

"Kakaiba. Mataray pa rin kagaya noon, ngunit may nagbago sa kaniya. Parang mas may puso ang Dalia na ito. Kung titignan mo, ay hindi siya katulad ni Rosenda noon. Mahahalata mo ito sa kilos niya. Posible kaya na mabago ang nakaraan?" tanong ni Idrelle.

131 Years (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon