Hindi ko yata kakayanin. Matapos niyang magtiwala sa mga sinabi ko, hindi ko yata kaya na lokohin siya dahil sa totoo lang, hindi ako marunong magpinta."A, e, Ginoo, sorry. Este, pasensiya na pero masama ang aking pakiramdam. Baka, hindi kita maipinta nang maayos," pagpapalusot ko.
Halata na nalungkot siya. Hala!
"Ganoon ba? Sige, iuuwi na kita."
"Hindi, sige, itutuloy na natin ito." Naaawa kasi ako sa expression ng mukha niya.
"Sigurado ka ba?" tumango ako.
Hinila niya ang isang bangkito at naglagay ng lampara sa lamesang nasa harap ko. Inayos niya iyong pamada niya sa buhok. Ang liwanag pa ng araw ngayon, at kitang-kita ko kung gaano nakahuhumaling ang hitsura ni Vicente. Pinuwesto niya ang upuan sa tapat ko at umupo siya roon.
"Binibini, matanong ko lang, maayos na ba ang hitsura ko ngayon?"
Itinaas niya ang manggas niya hanggang sa braso at hindi ko naman mapigilang tumingin. Stop it, Dalia! Ang landi mo!
"Binibini?"
"Ha?" Napatingin ako sa kaniya. Titig pa more.
"Mukha na ba akong kaaya-aya upang iyong ipinta?"
"Oo naman. Guwapo. Ay, este, maayos ng hitsura mo."
Mamaya pa ay nag-pose na si Vicente. Grabe! Hindi talaga siya gumagalaw. Nakatingin siya sa malayo at hindi siya nakangiti. Bakit ayaw niyang ngumiti? Oo nga pala. Hindi pa uso ang ngumiti sa mga painting o picture sa panahong ito. 'Poker face' lang palagi.
Kinuha ko na ang brush at ramdam ko ang kaba. Gusto ko na sana himatayin para makatakas pero it's too late.
Inilapag ko na ang makapal na papel sa lamesa at inilagay ito sa stand na siya namang iniabot sa akin ni Vicente.
Heto na talaga.
Nag-umpisa na akong magpinta kahit wala naman akong ideya sa ginagawa ko. Kulay rito, kulay roon. Basta, masabi lang na pinaghirapan ko. For sure, dismayado si Vicente kapag nakita niya ang gawa ko. 'Expectation vs. Reality' lang ang datingan.
After kong matapos sa kalokohan ko ay tinawag ko na siya.
"Ginoo, tapos na." Saka lang gumalaw si Vicente at tumayo para makita ang 'artwork' ko.
"Patingin."
Napayuko ako nang lumapit siya. As in, nakayuko. Iyong uri ng pagyuko na sahig lang ang nakikita ko. Ayaw kong makita ang reaction niya sa kalokohan ko.
"Binibini, isa itong..." panimula niya.
"Alam kong pangit," bulong ko habang nakayuko. Ready na akong magalit siya sa akin.
"Napakagandang obra ang iyong ginawa!" Napalingon ako sa kaniya at doon sa painting.
Hawak niya iyong painting ko na stickman lang at naka-smile siya roon sa stickman na ginawa ko. Mayroon ding dove o kalapati na paborito niya at sa background ay kulay blue na parang may dagat, may bundok, at simpleng araw. Kung tutuusin ay pang-Grade 3 yung gawa ko. Pang-Kinder pa nga yata, e.
Hindi ko mapigilang matawa nang makita ko ang ginawa kong stickman. "Seryoso ka ba?" tanong ko.
"Sa totoo lang, hindi siya kagaya ng aking inaasahan na makatotohanan na pagpinta, pero naniniwala ako na may rason kung bakit ganito ang hitsura nito," sabi niya habang nakangiti at nakatingin doon sa painting na ginawa ko.
"Abstract 'yan," pagrarason ko pa. "Saka, sinadya ko na nakangiti ka r'yan. Hindi ka kasi nakangiti kanina. Mas maganda kapag nakangiti ka," sambit ko.
"At ano ito? Ibon ba ito?" Itinuro niya iypng parang ibon na hindi ko maintindihan sa painting na ginawa ko.
BINABASA MO ANG
131 Years (PUBLISHED)
Historical FictionDalia Erasquin, isang babae mula sa modernong panahon ay napatay ng hindi niya kilalang salarin. Upang matukoy ang dahilan ng kaniyang pagkamatay, kailangan niyang bumalik sa taong 1889. Buhat ng isang misyon at pag-asang malaman ang katotohanan, sa...