PAALALA: Ang kabanatang ito ay maglalaman ng R-18 content at karahasan.
••••
Hawak ko ang kuwintas na ibinigay sa akin ni Vicente noon. Naaalala ko noong sinabi niya na ito ang simbolo ng kaniyang pangako at pagmamahal para sa akin.
Matapos ang nangyari kagabi, wala pa rin kaming kibuan hanggang ngayon. Kaya naman, inabala ko ang sarili ko sa pagtulong sa mga tao rito sa kampo ng mga rebelde, habang siya naman ay nagtuturo sa mga kabataan, kababaihan, o kalalakihan na nais matuto.
Samantala, naalala ko ang nangyari sa pagitan namin ni Manuel kagabi.
Hinawakan ko sa kamay si Manuel. Hindi ko na kailangang magsalita, dahil kahit hindi ko sabihin, alam niya na malaki ang pasasalamat ko sa kaniya. Sobrang amo ng kaniyang mukha, kaya sa oras na ito ay parang may humihila sa akin palapit sa kaniya.
Mas lalo kong naintindihan kung bakit nahulog si Rosenda sa kaniya.
Napatingin siya sa labi ko, at hindi ko mapigilan na mapatingin na rin sa labi niya.
Naramdaman ko kaagad ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sobrang lapit sa'kin ni Immanuel ngayon. Hindi ko alam kung ilang segundo kaming nakatingin sa isa't-isa nang walang salitang lumalabas mula sa aming bibig.
Tanging mga mata lang namin ang nagsasalita.
Matapos ang ilang sandali, nagawang iiwas ni Manuel ang mga mata sa akin. Nakita ko ang paglunok niya na parang pinipigilan niya ang sarili. "Magpahinga ka na." Wika niya.
Tumayo siya at hinalikan ako sa noo. "Magandang gabi, Rosenda." At matapos no'n ay tinalikuran na niya ako at hindi na lumingon pa.
Napailing na lang ako, nahiga, ipinikit ang mata, at pinilit ko na lang ang sarili ko na makatulog.
KASAMA KONG naglalaba sa may batis si Criselda ngayon. Katabi ko naman ang kapatid ni Manuel na si Ingrid. Nakadikit lang sa'kin ang bata at paminsa'y pangiti-ngiti.
"May alitan po ba kayo ni Heneral Vicente?" tanong ni Criselda habang abala sa pagkuskos ng ilang mga saya.
"Nitong mga nakaraan, madalas kaming hindi nagkakaintindihan. Para bang iba na ang gusto naming tahakin na daan." Paliwanag ko.
Nakita ko ang ngiti sa gilid ng labi ni Criselda. "Tiyak ako na mahal ka ni Ginoong Vicente, Binibini. Huwag kayong magpapatalo sa hindi makabuluhang alitan." Aniya.
Napatango na lamang ako bilang tugon. Kahit papaano ay na-comfort ako sa sinabi ni Criselda. Kinalabit naman ako ni Ingrid at inabutan ako ng isang dahon, nginitian ko naman siya at kinuha ko iyon. "Maraming salamat, Ingrid." Kinurot ko ang mataba niyang pisngi. "Nasaan ang kuya Manuel mo?" usisa ko.
Nagkibit-balikat ang bata. "Ganoon ba?" ipinulupot ko ang kamay ko sa beywang niya at inilapit siya sa'kin. "Ingrid, susundin mo ang kuya mo palagi, ha? Makikinig ka rin sa kaniya."
Kumunot ang noo ng bata at nagkasalubong ang kilay niya. Umiling din siya na parang ginagaya ang kuya niya. "Masungit? Si Manuel?" tanong ko.
Tumango siya.
"Madami lang iniisip ang kuya mo, pero, mahal ka noon. Sobra." Nginitian ko siya. Sana naman ay maniwala siya.
Itinuro ako ni Ingrid at sumunod naman ay tinuro niya ang kaniyang puso. "Ano ang ibig mong sabihin?"
"Ibig niyang tanungin kung iniibig mo ba si Manuel." Ani Criselda.
Muntik naman akong mabilaukan sa sarili kong laway. "H-? Ha? Nako, nagkakamali ka, Ingrid. Kaibigan ko lang ang kuya Manuel mo." Winasiwas ko pa ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
131 Years (PUBLISHED)
Fiksi SejarahDalia Erasquin, isang babae mula sa modernong panahon ay napatay ng hindi niya kilalang salarin. Upang matukoy ang dahilan ng kaniyang pagkamatay, kailangan niyang bumalik sa taong 1889. Buhat ng isang misyon at pag-asang malaman ang katotohanan, sa...