Kabanata 5

4.3K 180 77
                                    


Nagising ako dahil sa narinig kong tunog na kumakaluskos sa gilid ko. Pagkadilat ko ng mga mata ko ay dilim pa rin ang nakikita ko. Nakakaloka! Nabaril na ako sa modern day tapos nabulag pa yata ako. May galit ba sa akin ang Heaven?

Saka ko lang na-realize na hindi pa pala ako bulag. Nakatakip ng tela ang mata ko. Teka. Ano ba ulit ang nangyari? Nang mag-sink in na sa akin na may kumidnap sa akin ay nagpumiglas ako bigla. Naramdaman kong nakatali rin ang dalawa kong kamay sa likod pati na rin ang mga paa ko.

Nanahimik ako dahil may narinig akong pumasok at may footsteps din.

"Siya po ba ang iyong nais maging bihag?" tanong ng isang lalaki. Hindi muna ako nagsalita dahil baka saktan nila ako.

"Oo. Kaya nga siya ang hinila ko, 'di ba?" sagot ng kausap niya.

"Bakit n'yo raw ako ipinatawag, Pinuno?" tanong niya ulit. Wala akong makita, maliban sa kaunting liwanag mula sa araw na tumatagos sa telang nakapiring sa mata ko.

"Ibig ko lang tanungin sa 'yo kung bakit kinakailangan mong saktan ang babaeng ito."

"H-Ho? Hindi ba't sinabi n'yo na dapat masaktan---"

"Alam ko, ngunit wala sa plano na pagbuhatan mo siya ng kamay. Alamin mo ang lugar mo, Ruiz."

"Pasensiya na po, Pinuno." Narinig kong umalis iyong isang lalaki dahil sa footsteps niya. Napakasungit naman ng kausap no'n. Ngayon, kailangan kong tumakas dito. Magpanggap na lang kaya ako na patay? Huwag na pala dahil baka i-double check nila kung totoo ba at baka, barilin pa ako. Pero, paano? Hindi naman ako puwedeng sumigaw ng 'tulong' dahil sa dinami-rami ng napanood ko na pelikula, hindi naman effective iyon.

"Gising ka na pala." Nagulat naman ako sa boses na narinig ko. Nahalata kaya niya na gising na ako? Nagpanggap pa ako na humihilik para kunwari ay damang-dama ko iyong pagkakasuntok sa akin kaya di na ako nagising. Talagang nilakasan ko iyong hilik ko para lubayan niya ako.

"Napakalakas mo palang humilik," puna niya.

Sino ba ito? For sure, isa siyang matandang ermitananyo na manyakis.

"Panigurado ay hinahanap ka na ng iyong ama," dagdag pa niya. Naiinis na ako sa kaniya. "Ano kaya ang reaksiyon niya sa oras na ito?"

At dahil doon, ayaw ko nang magpanggap na tulog. Hindi naman ako puwedeng magpaka-Maria Clara dahil in danger ang buhay ko.

"Sino ka ba?" sigaw ko sa kaniya. Gusto kong makakita pero sinag lang ng araw nakikita ko sa tela na ito. "Pakawalan mo ako! Hindi ako masamang tao!"

Narinig kong papahakbang na siya papalapit sa akin. Kumabog naman nang malakas ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay sasaktan niya ako. Huminto siya noong nasa tapat ko na siya. Gusto ko man siyang sapakin ay wala akong magawa dahil nakagapos ang mga kamay ko.

"Alam ko," sabi niya. Alam pala niya na hindi ako masamang tao, pero dinamay pa rin niya ako sa kasamaan niya. "Pero, ikaw ang aming susi."

Ramdam ko na sobrang lapit niya dahil kanina ay malayo ang boses niya pero ngayon ay kinikilabutan ako dahil nasa harap ko na siya.

"P-Please, pakawalan mo ako," naiiyak kong pakiusap. "Hindi naman ako mayaman. Wala akong pera."

"Nakikita mo ba ang suot mong pulseras, Binibini? Alam mo naman siguro na iyan ang tanda ng iyong kayamanan. Ang tanging nagsusuot ng ganiyan ay anak o kapamilya ng mga opisyales sa bayan ninyo."

"P-Pero, bakit ako?" tanong ko sa kaniya at hindi siya kaagad sumagot.

Narinig kong lumayo ulit siya sa akin at saka, lumapit. Ang bigat naman humakbang ng taong ito. Narinig ko na tumunog ang sahig dahil may inilapag siya.

131 Years (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon