BIGLA NA LANG sumakit ang dibdib ko kung nasaan nakapuwesto ang balat ko. Noon pa man ay naiinis na ako dahil may balat ako sa dibdib na siyang malapit sa may leeg. Napahawak ako rito habang hawak ko ang lumang picture frame.
"Dalia? Ano'ng ginagawa mo rito?" Napatingin ako sa likod at nakita ko si lola na gulat na gulat.
"Lola?" Nanlaki ang mga mata niya nang nakita niyang hawak ko iyong picture ng babae. "Lola, sino po ito? Kamukang-kamukha ko po," sambit ko.
Kinuha niya iyong picture sa akin at tila takot na takot ito. "Paano mo nakita 'to?"
Ayaw ko namang sabihin sa kaniya na may tumatawag sa pangalan ko dahil matanda na si Lola at nerbiyosa pa ito.
"E, kailangan daw po namin ng makalumang bagay para doon sa aming History class," pagsisinungaling ko.
"A, ganoon ba? O siya, matulog ka na ulit."
"Pero sino po ba 'yong nasa larawan? Kamag-anak po ba natin 'yon?" muli kong pag-uusisa.
"Matulog ka na, Apo. Huwag mo nang alalahahin ito," marahang sambit ni Lola. Dahil sa sinabi niya ay higit akong na-curious.
"But, Lola---"
Hinila ako ni Lola at hinawakan sa may braso na siyang ikinagulat ko. Nakakaloka! "Makinig ka sa aking bata ka. Huwag mo na ulit hahawakan ang litratong ito. Luma na ito at iniingatan ko ito, kaya pakiusap, huwag ka nang makulit."
"Opo, Lola. Pasensiya na po," sambit ko sabay akyat sa aking kuwarto at saka, natulog.
The next morning, sabay-sabay kaming kumain ng almusal bago kami pumasok sa school at si Daddy naman sa work. Habang kumakain ako ay napansin kong kinakausap ni Daddy iyong isa naming hardinero at magsasaka. Mukhang dismayado si Daddy dahil may malaki kaming lupa sa aming probinsiya sa Hacienda Erasquin at iyon din ang isa sa ikinabubuhay namin. Malago ito at pinakikitunguan ni Daddy ang mga magsasaka rito.
Luma at hindi na rin kami nakagagalaw na mansiyon sa hacienda na iyon. Matagal at kilala na rin iyon bilang horror house.
Pagkabalik ni Daddy ay napailing na lang ito. Umupo siya sa tabi ni Delilah na kumakain din.
"What happened, Daddy?" I asked sabay kagat doon sa bread na hawak ko.
"Ha?" tanong niya. Sasagot na sana ako ng 'hotdog' pero baka magalit siya. Sa susunod na lang.
"E, nagpaalam na itong si mang Paseng. Hindi na raw sila makatatagal sa Hacienda dahil may sakit ang anak nila ni Lucinda."
Hindi ako magtataka kung bakit lubhang nadismaya si Daddy. Isa si kuya Paseng sa mga naging tapat naminng tauhan sa probinsiya. Kahit lagi siyang nandoon ay alam kong mabait siya sa amin.
"It's okay, Dad. Makahahanap ka rin ng kapalit," saad ko.
"Sana nga ay bumalik iyong dati nating tapat na trabahador. Napakasipag ng batang 'yon," sabi ni Daddy.
"Sino, Dad?" tanong ko.
"Sinagip ka niya nang muntikan kang mahulog doon sa dulo ng tulay noong tatlong taon ka palang, Dalia. Hanggang sa binigyan siya ni Mommy mo ng trabaho."
"Then?" I asked.
"Hindi ba nagpunta tayo sa Hacienda noong taong 2016? Sa pagkakatanda ko ay nagkita kayo. Basta 'yon ang nangyari, 'tapos bigla na lang nawala ang lalaking 'yon."
Suddenly, a memory flashed into my mind, pero hindi gaanong klaro, kung kaya't napailing na lang ako. Nanikip bigla ang dibdib ko nang dahil sa pag-iisip sa isang bagay na hindi ko maalala.
BINABASA MO ANG
131 Years (PUBLISHED)
Historical FictionDalia Erasquin, isang babae mula sa modernong panahon ay napatay ng hindi niya kilalang salarin. Upang matukoy ang dahilan ng kaniyang pagkamatay, kailangan niyang bumalik sa taong 1889. Buhat ng isang misyon at pag-asang malaman ang katotohanan, sa...