"Ano'ng nangyari dito? Rosenda..Senda! Gumising ka r'yan!" naramdaman ko ang pag-alog sa akin ni kuya Antonio. Agad akong napabangon noong maalala ko 'yung nangyari kagabi.
Teka, may nangyari ba kagabi?
Ramdam ko ang sakit ng ulo ko pagkaupo ko sa kama. Napahawak ako sa sentido ko na kumikirot, "Kuya?" mahina kong pagtawag kay kuya Antonio na ngayon ay nakapameywang pa.
"Umamin ka sa akin Senda, bakit nasa sahig natutulog si ginoong Vicente?"
"H-Ha?" Napatingin ako sa may pinto at nakita ko na nakasandal si Vicente sa pader habang natutulog. What? So walang nangyari kagabi? E, ano 'yung moment na pinatay niya 'yung sindi ng lampara?
Tumingin ako sa ilalim ng kumot, suot ko pa rin naman ang saya ko. So it means, nananaginip or nag-iimagine ako ng mga ganoong bagay? No!!
"Senda?" natauhan ako sa boses ni kuya Antonio.
"What? Este, ano?" tanong ko. Parang pinupukpok 'yung ulo ko ng martilyo.
"Bakit nandito si ginoong Vicente?" pag-uulit niya.
"Hello? Kagabi, lasing na lasing kayong tatlo. Tapos, pagtingin ko sa silid niyo, nasa sahig na lang kayo ni Leonardo. Heto namang si Vicente, lango rin sa alak at napagkamalang silid niya itong silid ko," napakamot naman sa ulo si Kuya. Siguro ay na-realize niya ang sarilihing kalokohan.
"Buenos dias—Dios mio! Rosenda, pinagod mo yata si Vicente kagabi," narindi ako sa boses ni Leonardo kaya binato ko siya ng unan na agad niyang naiwasan.
Binatukan naman siya ni kuya Antonio. May hawak na naman si Leonardo na isang bote ng alak sa kamay niya. "Akin na nga iyan. Wala na, wala nang dapat uminom ng lambanog simula ngayon," kinuha ni kuya Antonio ang alak mula kay Leonardo.
Wala namang nagawa si Leonardo kun'di sumunod. Kung ano-ano talaga naiisip niya. Buti pa ako, malinis ang utak ko at hindi green-minded.
Ows? Sure ka, Dalia?
Napairap na lang ako kasi sumasagot ang konsensiya ko. Napatingin ako kay Vicente na tulog na tulog pa rin. Nakatulog yata siya buong gabi nang nakaupo.
Inakay nilang dalawa si Vicente papuntang kabilang silid. Hindi ko alam na sa kanilang tatlo siya ang mukhang napagtrip-an na tumagay nang tumagay.
ALAS-TRES NG HAPON, kumakain kami ni kuya Antonio at Leonardo sa may azotea ng bahay-tuluyan. Maganda ang tanawin at sariwa ang simoy ng hangin. Mayroong nakahandang iba't-ibang klase ng tinapay at mayroon ding palitaw at suman. Sinasawsaw nilang dalawa ang pandesal sa mainit na kape. Buti naman at hindi alak ang tinutungga nila ngayon.
"Ganap ka nang abogado, Leo. Siguraduhin mo na makatarungan ang bawat kaso ng kliyente na hahawakan mo." Paalala ni kuya Antonio. Magkatabi sila at ako naman ay nasa tapat nila.
"Ako pa ba? Lahat nang hahawakan kong kaso, sisiguraduhin ko na maipapanalo ko. Sayang naman ang pinag-aralan ko roon kung hindi ako magiging epektibo na abogado." Nakalimutan kong abogado pala itong si Leonardo. Hindi kasi halata sa mga kilos niya.
"Senda lampa, bakit nasa silid mo si Vicente kagabi?" tanong ni Leonardo na mukhang ako na naman ang pagdidiskitahan.
"Bakit ba lampa tawag mo sa akin?" naiirita kong tanong. Natawa silang dalawa.
"Nakalimot mo na ba? Noong bata pa lamang tayo, madalas ka nadadapa kapag naglalaro tayo ng habulan noon sa may batis. Palaging sumasakit ang iyong dibdib at doon namin napag-alaman sa manggagamot na mayroon kang sakit sa puso." Pagsasalaysay niya.
BINABASA MO ANG
131 Years (PUBLISHED)
Historical FictionDalia Erasquin, isang babae mula sa modernong panahon ay napatay ng hindi niya kilalang salarin. Upang matukoy ang dahilan ng kaniyang pagkamatay, kailangan niyang bumalik sa taong 1889. Buhat ng isang misyon at pag-asang malaman ang katotohanan, sa...