Kabanata 50

3.1K 122 271
                                    



"Dalia..Dalia! Gumising ka!"

Napaigtad ako sa boses ni Vicente. Pagmulat ko ng aking mga mata, nakita ko na hawak niya ako sa magkabilang balikat at parang kanina pa niya ako niyuyugyog para magising.

"Vicente," Napahawak ako sa sentido ko. "Kilala mo na ako? Paanong...paano mo nalaman kung sino ako?"

Naupo si Vicente sa kama. Kumunot ang kaniyang noo. "Kilala naman talaga kita." Aniya.

"Kung gayon, sino ako?" tanong ko.

"Rosenda. Ikaw si Rosenda."

Bumagsak ang balikat ko dahil sa narinig. Isang panaginip na naman ang dumalaw sa aking isipan. Nakita ko na ang pagtataka sa mukha ni Vicente, na parang pinag-iisipan niya ang mga salitang binitawan ko. Na parang may gusto siyang malaman. "May dapat ba akong malaman, Senda?"

Ito na 'yon, Dalia. Ito na ang pagkakataon para aminin sa kaniya ang lahat.

Saka ako napatitig kay Vicente. Tandang-tanda ko sa aking panaginip kung paano siya humikbi at kung ano ang lagay niya noong malaman niya ang katotohanan. Marahil ay isang panaginip lang iyon pero alam ko na ganoon ang mangyayari oras na matuklasan niya ang lahat.

Habang tinitignan ko siya ay nawala ang mga salita na nais kumawala sa aking bibig. Tila ba'y nanuyo na ang lalamunan ko at blangko na rin ang isipan ko.

Hindi. Hindi ko siya kayang saktan ulit.

Kaharap ko ang lalaking walang takot na ipinaglaban ako kahit sa ilang daang taon niyang pamumuhay. Kaharap ko ang lalaki na noon pa man ay minahal na ako.

Isang ngiti ang sumilay sa aking labi. "Wala iyon. Isa lang iyong masamang panaginip, Inte." Pagsisinungaling ko. "Halika na. Kain na tayo? Naririnig ko na sa ibaba si Don Adolfo."

Bakas pa rin ang pagtataka at pagsususpetsa sa mukha ni Vicente, pero agad iyong nawala dahil ngumiti siya.

Tumayo siya at saka, inilahad ang kamay sa akin. "Tayo'y mag-agahan na, aking binibini." Natatawa ko namang hinawakan ang kamay niya at magkasama kaming bumaba na parang may akay siya na isang prinsesa. Kahit kailan ay masayahin talaga si Vicente. Iyon ang katangian na ayaw ko nang mawala pa sa kaniya, kaya hangga't kaya ko ay ililihim ko ang lahat.





"Sa susunod na Linggo ang pinaplano naming paglusob kay Don Jaime at sa kaniyang mga tauhan." Sambit ni Manuel habang kami ngayon ay nasa hapag-kainan. Katabi ko si Vicente at si Criselda habang si Manuel naman at Ingrid ay katapat namin. Abala naman sa pagbabasa ng diyaryo si Don Adolfo na nasa kabisera habang sinisimsim ang mainit na kape.

Mahaba ang naging usapin nila ni Vicente ukol sa plano nilang paglusob kay Don Jaime upang manaig ang kapayapaan sa pagitan ng dalawang bayan. Sang-ayon naman si Don Adolfo roon at nangakong tutulong at magdaragdag ng mga kawal upang pabagsakin ang pamahalaan sa ilalim ng pamilyang Montemayor.

Hindi sila puwedeng magpadalos-dalos, lalo na't nakatira kami ngayon sa tahanan ng isang gobernador-heneral. Ang simpleng pagkakamali ay maaaring magresulta sa hindi kaaya-ayang tagpo.

Isang liham ang binasa ni Vicente at bakas sa kaniyang mukha ang pagkabalisa. "Nakatanggap ako ng liham mula kay Miguel. May sakit daw si Julieta at ngayon ay magtutungo sila sa pagamutan sa Maynila." Anunsyo niya.

"Sasama ako," pagpresinta ko.

"Huwag na, Senda. Mapanganib. Tandaan mo na hindi dapat tayo makilala ng kahit na sino." Ngumiti siya. "Babalik ako. Pangako." Hinaplos niya ang kamay ko na nasa ilalim ng mesa.
"Immanuel, may masasakyan ba ako na kalesa sa dakong bayan?"

131 Years (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon