Third Person's Point of View
Binondo Manila, 2002
"At ano na ang iyong pangalan?"
"Dalia... Dalia Erasquin po."
Noong nalaman ng binata ang pangalan ng batang babae ay kaagad niya itong sinabi sa mga pulis. Pinasalamatan naman siya ng pulis at sinabihan ang binata na hintayin na lamang niya ang mga magulang nito para naman daw magkaroon siya ng pabuya dahil sa kaniyang pagligtas sa bata.
Umupo lang ang binata sa isang sulok at naghintay hanggang sa dumating ang isang lalaki at babae na nasa edad o pababa. Umiiyak ang babae at seryoso naman ang mukha ng kasama nitong lalaki.
Pagkakita nila kay Dalia ay kaagad nila itong nilapitan at niyakap. Pinagmasdan lamang ng binata ang pagtatagpo nila na iyon. Tila ba ay nakaramdam siya ng inggit at pangungulila.
"Saan ka ba nagpupunta, Anak? Diyusko! Sobrang nag-alala kami sa 'yo ng Daddy mo!" sigaw ng babae habang yakap-yakap nito ang anak.
Hinihimas naman ng kaniyang ama sa ulo si Dalia at nag-sorry sa anak.
"Away po kasi kayo ni Daddy, Mommy, e. I'm scared kaya alis ako," tugon ng bata. At naiiyak na rin ito dahil nakikita niya ang kaniyang ina na lumuluha.
Tumayo na ang binatilyo, sapagkat alam na niyang ligtas ang bata. Papaalis na sana ito nang bigla siyang tawagin ng isang pulis.
"Hijo, sandali." pagpigil nito. Napalingon ang binata sa kaniya. "Ma'am, Sir, itong binata na ito ang nagligtas sa inyong anak. Ang sabi niya sa akin ay kamuntikan na itong mahulog sa tulay at doon siya naglalaro." Itinuro niya ang binata.
Lumapit ang ina ng bata at hinawakan ang binata sa magkabilang braso. "Maraming salamat sa pagtulong sa anak namin. Ano ang magagawa namin para matulungan ka? Kailangan mo ba ng pera?"
Napailing lamang ang binata. Hindi niya hangad ang pera o anumang materyal na bagay.
"Hindi ho. Mauuna na ako."
Ngunit pinigilan siya ng babae. "Gusto mo bang magtrabaho sa hacienda namin? Dodoblehin namin ang sahod mo."
Aayaw pa sana ang binata, ngunit napaisip ito. Sa pamamagitan ng pagtatrabaho ay magkakaron ulit siya ng rason para mabuhay kahit papaano dahil may paglilibangan siya.
"Sige, ho," tugon nito. Napangiti naman ang ina ng bata.
Kinabukasan ay dinala na ang binata sa hacienda ng pamilyang Erasquin. Kasama niya ang matandang lalaki na si manong Paseng na ka-trabaho rin daw niya. Nakipag-usap na ang binata sa magulang ng bata at pinahintulutan na siyang mag-umpisang mag-trabaho sa probinsiya sa kanilang hacienda bilang pasasalamat dahil sa pagsagip nito sa kanilang anak.
Nakasakay sila sa isang jeep na punong-puno ng mga buko, saging, at mga kawayan. Napalingon ang binata sa bintana ng jeep at ipinikit ang kaniyang mga mata. Napansin ni Manong Paseng na medyo balisa ang binata.
"Hijo, ayos ka lang ba?"
Idinilat ng binata ang kaniyang mga mata. "Opo, manong Paseng," sagot niya. Napansin ni mang Paseng ang katahimikan niya.
Maalog ang jeep dahil panay bato na ang dinadaanan nila, sapagkat hindi na sementado ang parte ng lugar na iyon. Nauntog naman ang binata sa bubong ng jeepney dahil may katangkaran ito.
"Matanong lang, Hijo, saang pamilya ka nanggaling?"
Nagtaka naman ang binata sa tanong ni mang Paseng. "Ano, ho?"
"Nagtataka ako sa iyong hitsura. Maputi ka naman, makinis, at maraming oportunidad ang mga magandang lalaki na kagaya mo. Tila hindi ka yata nababagay sa buhay-pagsasaka."
BINABASA MO ANG
131 Years (PUBLISHED)
Historical FictionDalia Erasquin, isang babae mula sa modernong panahon ay napatay ng hindi niya kilalang salarin. Upang matukoy ang dahilan ng kaniyang pagkamatay, kailangan niyang bumalik sa taong 1889. Buhat ng isang misyon at pag-asang malaman ang katotohanan, sa...