Sa mga nagbasa na at magbabasa pa lang nito, you are about to read the EDITED/REVISED version of the book. At dahil edited, asahan n'yo po na may mga ilang nabagong eksena, pangyayari, at diyalogo sa nobela. May mga ibinawas at idinagdag din ako na scenes na alam kong mas makakapagpaganda sa takbo ng istorya.
Maraming salamat at humanda na kayo sa samot-saring emosyon na mararamdaman ninyo sa kuwentong ito.
Date Started: April 20, 2020
Finished: September 17, 2020
Edited: August 2022
▪︎▪︎▪︎▪︎
Manila, 2020
Aking lihim sa iyo ay ipapabatid
kukumutan ka ng aking titig
at yayakapin ka ng aking tinig.
At sa araw na ito ay iyong matagpuan,
maglalaho ang ilang taong karimlan.
At iyong mapagtatanto
na ikaw
at ako
ay iisa lamang.
"Hoy, Dalia! What are you writing?" Natauhan ako sa boses ng kaibigan ko na si Amanda. Hindi ko namalayan na I was writing some piece of poetry na bigla na lang pumasok sa isip ko. Napahawak ako rito at napakamot sa ulo. When did I start writing poems? Pinunit ko ang papel na sinulatan ko mula sa notebook at nilukot iyon at saka, itinapon sa aking bag.
"Wala, Mands. It is just some piece of crap that I thought." Napatango na lang si Amanda and focused on our professor.
"Taóng 1889 noong natagpuan ni Miguel Morayta y Sagrario ang 'Grande Oriente Español'. Si Morayta ay isang propesor sa Universidad Central Madrid at siya ay naging propesor ni Rizal sa kasaysayan," pag-uumpisa ni Ma'am sa klase. "Sa kasalukuyan, ang Calle Morayta ay kilala bilang Nicanor Reyes Street na nagmula naman sa tagapagtatag ng Far Eastern University na si G. Nicanor Reyes Sr."
Napahikab ako sa pinagsasabi ni ma'am Natividad. Paano ba naman, 4th year college na ako pero may pa-throwback pa rin sa mga subject ko. As much as I love history noon, nakakasawa rin silang pag-aralan, lalo na kapag paulit-ulit.
"Hoy, Dalia! Ready na ba ang gown mo for this week's event?" tanong ng best friend ko na si Amanda.
"Hello?! Magpapatalo ba ako sa inyo? Of course!" maarte kong sagot.
"I can't wait! Baka, 'yon na 'yong time na makakapag-make out kami ni Gab!" tili naman ng isa ko pang maarteng kaibigan na si Sally. This Friday ay magkakaroon ang University namin ng 'grand ball' para sa aming seniors. Panigurado ay libo-libong tao ang a-attend, kung kaya't hindi ako magpapatalo sa kagandahan. Sisiguraduhin kong maiuuwi ko ang award na 'Star of the night'.
"Kumusta naman pala 'yong boyfriend mong si Robert?" tanong ni Amanda habang inaayos ang kaniyang bangs.
"'Ayun! Going strong pa rin naman kami."
"Wow! 'Ganda ka, Girl?"
"Siyempre! And besides, mag-iisang taon na rin kaming mag-dyowa, 'no! I am sure na siya na ang forever ko."
"Talaga ba? Nako! Alam mo ba---" Hindi na naituloy ni Amanda ang sinasabi niya because suddenly, all of their attention is na sa amin na.
"Ms. Amanda, Sally, and Dalia! Nakikinig ba kayo, or F ang ilalagay ko sa mga grades n'yo ngayong Prelims?" tanong ni ma'am Natividad habang nakapamewang at nanlilisik ang mata sa aming tatlo. Siniko ko si Amanda at pa-simpleng sumenyas para malaman kung ano ang aming gagawin.
BINABASA MO ANG
131 Years (PUBLISHED)
Fiksi SejarahDalia Erasquin, isang babae mula sa modernong panahon ay napatay ng hindi niya kilalang salarin. Upang matukoy ang dahilan ng kaniyang pagkamatay, kailangan niyang bumalik sa taong 1889. Buhat ng isang misyon at pag-asang malaman ang katotohanan, sa...