Kabanata 9

3.1K 171 38
                                    

Inilahad niya ang kamay niya at tinignan ko ito. "Nangangawit na ako, Binibini," pang-aasar niya.

"P-Pero, hindi ako marunong sumayaw," sabi ko kahit pa hindi na ako maawat kanina sa kakasayaw with kuya Antonio.

"Ako ang bahala sa 'yo, Binibini. Pantomina lamang ating sasayawin at hindi Pandanggo sa ilaw."

Pantomina? Sa pagkakaalam ko, iyon ay ang isa sa Philippine folkdance na kung saan sinasayaw ito tuwing may kasal o kaya naman ay kapag nagliligawan ang babae at lalaki.

Hinawakan ko siya sa kamay at tumugtog na ang tugtog na medyo magiliw pakinggan pero dahan-dahan lang. Iyon na yata ang tugtog para sa Pantomina.

Napalunok naman ako nang pumuwesto si Vicente sa gitna kung saan may mga mag-dyowa na nagsasayawan.

"Huwag kang mahiya, Rosenda. Para sa ating dalawa ang okasiyon na ito."

"Hindi nga ako marunong sumayaw. Ang kulit mo naman," inis kong sambit. Napakamot pa ako at napadabog ng paa sa inis. Natauhan naman ako sa ginawa ko. "Sorry--- Ay, este, pasensiya ka na. Nahihiya lang talaga ako dahil hindi ako marunong."

"Wala ka bang tiwala sa akin?" Hinawakan niya ulit ako sa kamay at saka, nag-umpisa na niyang sabayan iyong tugtog.

Wala naman akong nagawa kung hindi ay sumabay sa kaniya. Hinawakan ko ang suot kong saya at saka, nagpa-ikot-ikot din kapag umiikot siya. Minsan ay hinahawakan niya ako sa kamay para ikutin ako, pero hindi daring ang mga kilos. Sinundan ko lang kung ano ang ginagawa niya.

Step to the right, step to the left. Yeah! Baby, kaya ko naman pala. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang sumasayaw. Naalala ko iyong moment ni Jack at ni Rose sa movie na 'Titanic'. Ang sarap sa pakiramdam na sumayaw sa tugtog na nakaaaliw at bago para sa iyo.

Noong matapos ang sayaw ay nag-bow sa akin si Vicente at ganoon din ako. Nagpalakpakan naman ang mga tao.

"Ang buong akala ko ay hindi ka marunong, pero mas magaling ka pa nga sa akin na sumayaw," pang-aasar ni Vicente.

"Sinundan lang kita, 'no!" sagot ko. At nag-hair flip pa ako.

Lumapit naman bigla ang isang lalaki na mas maliit sa kaniya at tinapik siya sa balikat.

"Kuya."

"Miguel, kilala mo naman na siguro si Bb. Rosenda."

Siya pala si Miguel, ang pangalawang kapatid ni Vicente. Mas payat ito kaysa sa kaniyang Kuya at hindi rin sila magkamukha, pero mas maputi ito kaysa kay Vicente at hanggang balikat ang buhok niya.

Nginitian niya ako nang makita niya ako. "Ang huling pagkakatanda kong engkuwentro kay Bb. Rosenda ay iyong panahon na sinigawan niya si Julieta dahil gusto niyang suklayin ang kaniyang buhok," sambit ni Miguel.

Nahiya naman ako bigla. Akala ko pa naman ay chill lang itong si Miguel. Mukhang may sama rin siya ng loob kay Rosenda.

"Miguel," pagsuway ni Vicente.

"Nagbibiro lamang ako, kuya Vicente. Napanood ko kayong sumayaw ng Pantomina. Ngayon ko lang nakita muli ang aliwalas sa iyong mga mata matapos mawala si Ina."

Kaagad namang nagbago ang expression ng mukha ni Vicente. Sa totoo lang ay hindi ko pa alam ang nangyari sa mama nila.

"Nasaan si Julieta?" pag-change topic nito.

"Nasa kaniyang silid at nagbabasa. Ayaw niyang makisalamuha dahil hindi raw niya gusto ang mapapangasawa ng kaniyang Kuya," saad ni Miguel kay Vicente sabay kindat sa akin.

131 Years (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon