Kabanata 32

2.6K 139 208
                                    

Dumiretso si Manuel papalapit sa akin at niyakap ako nang walang pasabi.

"Rosenda," wika niya, "Nabalitaan ko ang nangyari."

Habang yakap ako ni Manuel ay nakita ko ang pag-igting ng panga ni Vicente na kaharap ko ngayon. "Paumanhin at wala ako sa iyong tabi," dagdag pa niya.

Nagitla na lang kami dahil may isang nakakawindang na tunog ang aming narinig—nilaglag pala ni Vicente ang isang paso ng halaman dahilan para mabasag ito sa sahig. Humiwalay naman si Manuel sa pagkakayakap sa'kin.

"Paumanhin, nasagi ko lamang," sarkastikong saad ni Vicente.

Pumagitna sa amin si Vicente dahilan para mapunta ako sa likuran niya. "Heneral Isidro, wala ka bang mahalagang gampanin sa sa inyong bayan?" tanong niya. Ramdam ko agad ang tensyon sa pagitan nila.

"Nais ko lamang makita si Rosenda," tipid na sagot ni Manuel.

"Bueno, nakita mo na siya, ginoo. Huwag mo na sana abalahin ang pag-uusap namin ng sinisinta ko."

Napatingin sa akin si Manuel. "Sinisinta? Ikaw ba ay nakakasiguro?" muli niya akong tinignan, "Hindi mo ba nasabi kay Vicente ang mga katagang inamin mo sa akin sa sulat? Na ika'y puntahan ko sa araw ng iyong kasal pagtunog ng kampana?" napako ako sa kinatatayuan ko sa siniwalat ni Manuel, hindi ko inakalang magagawa niyang sabihin iyon.

Nagtataka na ngayon si Vicente. "Hindi si Rosenda ang sumulat ng liham na iyon," mariin niyang tugon.

"Kung gayon, ano ang intensiyon ng taong iyon?" tanong ni Manuel. Hinarap ko siya at huminga nang malalim.

"Vicente, maaari mo ba muna kaming iwan ni ginoong Immanuel dito?" pakiusap ko sa kaniya.

"Rosenda—"

"Huwag ka mag-alala, sisigaw ako kapag may nangyaring masama. Kapag sumigaw ako ng 'darna', tumakbo ka na palapit dito." Napakamot siya sa ulo at bakas pa rin ang pagdududa sa mata.

Binigyan ng matalim na tingin ni Vicente si Manuel bago niya nilisan ang beranda. Hinarap ko naman si Manuel na balisa ngayon. "Si Ameng ang may gawa nito sa akin," iyon ang unang sinabi ko sa kaniya.

"Alam ko. Alam ko ang lahat." Napakapit siya sa kahoy ng beranda, "Tuluyan nang nawala sa sarili ang kanang kamay ng aming samahan. Kumampi siya kay Jaime Montemayor maging kay Javier Hidalgo upang maghiganti kay Vicente." Ani Manuel na nakatingin sa malayo.

"Si Criselda?" tanong ko.

Pagbanggit ko sa pangalang iyon ay nahagip ko sa mata ni Manuel ang kalungkutan na pilit itinago. "Tanggap na niya ang lahat." Aniya.

Posible kayang alam na niya ang nararamdaman ni Criselda para sa kaniya?

"Patawad sa nangyari," wika ko.

Hinarap ako ni Manuel, "Kasalanan ko ito. Pakiwari ko ay malaki ang naging pagkukulang ko sa samahan namin kung kaya't humantong ang lahat sa ganito. Ako dapat ang humihingi ng dispensa sa'yo."

"'Wag mo sisihin ang sarili mo sa mga bagay na wala ka namang kapangyarihan," saad ko. "Ano'ng sabi ni Don Adolfo sa mga nangyari? Alam ba niya na pinuno ka ng mga rebelde?"

"Ayaw ko na ipaalam pa ito kay Don Adolfo, mabuting tao iyon at hindi makakatulong na malaman pa niya ang katotohanan." Wika niya. Napahawak siya sa batok na parang hindi alam ang gagawin. "H-Hindi ko na rin alam ang dapat gawin. Ang gulo, magulo ang lahat. Pero hindi ko dapat pabayaan ang mga tao na nagtiwala sa akin."

"Malaki ang tiwala nila sa'yo, Manuel. Ikaw na lang ang inaasahan nila. Iyon na rin ang dahilan kung bakit itinatago ko ang nalalaman ko tungkol sa'yo."

131 Years (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon