Kabanata 12

2.7K 147 92
                                    

Tanghali na nang makarating kami sa hacienda Lafuente. Sinalubong naman ako nina Ama at Ina ng isang mahigpit na yakap. Parang okay naman na si Ama dahil hindi na siya nakasimangot sa akin. Naisip siguro niyang bumalik na sa sarili ang Unica hija niya.

Nandito naman ako sa azotea kung saan pinagmamasdan ko ang magandang view sa harap ng mansiyon namin. Tamàng emote lang.

"Senyorita." Lumingon ako at nakita ko si Angelita na may dalang papel. "Sulat po galing kay Señor Vicente." At iniabot niya sa akin iyon.

"Thank you... Ay, este, salamat pala." Nag-bow naman ito.

"Kumusta ka pala, Angelita? Si Normita ba, ayos lang?" tanong ko.

"Oo naman po, Binibini. Sanay na kami na may pagkakataong mainit ang ulo ni Don Fabio. Sa unang pagkakataon, Binibini ay ipinagtanggol mo kami."

"Basta, ang mahalaga ay marunong kayong ipagtanggol ang inyong sarili."

"Alam po namin iyon, ngunit sa aming estado, Binibini, hindi 'yon maaari. Isa po lamang kaming indio at wala kaming magagarang karapatan kagaya ng mayroon kayo."

"Naiintindihan ko." Medyo nalungkot naman ako sa sinabi niya. Ito pala ang panahon na kapag mahirap ka ay hindi pantay ang tingin sa iyo.

Umalis na rin si Angelita at binuklat ko naman kaagad ang nakatuping papel galing kay Vicente. Kalma, Dalia. Letter lang 'yan. Bakit parang excited naman ako masiyado? Kung sa modern day ay makatatanggap ako ng ganito galing kay Robert ay hindi ako kikiligin, e. Malamang ay iko-consider ko ang letter bilang 'cheap gift'.

Pero iba rito, bigla akong sumasaya sa mga liham na natatanggap ko.

Rosenda,

Nabalitaan ko ang panandaling pagdayo mo sa Dagupan upang mamalagi roon nang limang araw. Matapos ang limang araw ng aking pagsisiyasat sa Maynila ay pinabalik na rin ako ng aking ama.

Nanggaling ako sa inyong hacienda kahapon at nabalitaan kong hindi ka pa nakababalik, kung kaya't naisipan ko na lamang na idaan sa sulat ang nais kong iparating sa iyo.

Matapos ang tatlong araw ay ibig kong puntahan mo ako sa karagatan ng hangganan at doon kita tatagpuin. Aasahan kita roon sa oras na alas-nuebe ng umaga.

Sumasaiyo,

-Vicente De la Vega

"Bakit abot-langit ang ngiti mo?" Itinupi ko kaagad iyong sulat ni Vicente nang marinig ko si kuya Antonio. Panigurado ay aasarin na naman ako nito.

"Wala naman. Bakit ba, bigla ka na lang sumusulpot?" tanong ko.

"Inaagawan mo ako ng puwesto, Senda. Dito ako madalas mag-isip."

"Ano ba'ng iniisip mo?"

"Maraming bagay, pero mas nananaig sa aking isipan si Criselda."

Naalala ko bigla si Criselda. Baka masaktan si kuya Antonio kapag nalaman niyang rebelde pala ito.

"Paano kung rebelde pala siya, Kuya? Kunwari lang naman," tanong ko.

"Si Criselda? Imposible."

"Oo nga. Imposible," pagsisinungaling ko.

"Ako lang ba ang nakakapansin, ngunit nitong mga nakaraan ay mas naging masiyahin ka, aking kapatid?"

Napalunok naman ako bigla. "Bakit? Sino ba si Rosenda--- Ay, ako dati?"

"Hindi ka makabasag pinggan noon at bawat kilos mo ay kalkulado. Tila ba, ibang tao ang nasa harapan ko ngayon."

Natawa ako sa paraang parang may ayaw ako mabunyag. "Ganoon pa rin naman ako. Mas gusto mo bang ibalik ko iyong datìng ako?"

131 Years (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon