Kabanata 41

2.4K 129 196
                                    



Third Person's Point of View



MANILA, 2016



"Tope!"

Hindi pa rin malimutan ni Tope ang boses ni Dalia na paulit-ulit tinawag ang pangalan niya noong gabing iniwan niya ito. Tatlong buwan na ang nakalipas mula nang nilisan ng binata ang hacienda Lafuente o mas kilala ngayon bilang hacienda Erasquin. Sa loob ng tatlong buwan, ay hindi nawaglit sa kaniyang isipan ang gabing iyon sa pagitan nila ni Dalia.

"Bro, lalim yata ng iniisip natin, a?" natauhan si Tope sa boses ng kaniyang katrabaho na si Idrelle.

Tatlong buwan na mula nang mag-apply si Tope bilang isang call center agent sa Manila. Magaling ang binata sa wikang Ingles kaya naman hindi naging mahirap sa kaniya ang paghahanap ng trabaho. Binigyan sila ng isang oras na break ngunit nanatili si Tope sa loob ng production floor habang nakatingin sa katapat niyang computer.

"Tara, sumabay ka sa amin ngayong break. Palagi ka na lang nag-iisa. Kita mo ba mga bagong ahente? Daming magagandang dilag, pare." Tinapik ni Idrelle si Tope sa balikat. Napangiti na lang ito. "Why? Inlove ka na ba?" usisa ni Idrelle nang mapansin niya na hindi interesado ang binata sa kaniyang sinasabi.

"May nagmamayari na ng puso ko," saad ni Tope. Pumalakpak naman si Idrelle nang dahil sa narinig.

"Wow! At sino naman ang lucky girl?"

"Secret. Hindi na rin naman kami magkikita ulit." Tugon ng binata.

Tinabihan ni Idrelle ang binata saka niya ito inakbayan. "Christopher, alam mo naman na lahat ay puwede mong sabihin sa akin. Kaya nga tayo tropa, 'di ba?"

Napatikhim ang binata. "Huwag mo nga akong tinatawag na Christopher," reklamo nito. Alam ni Idrelle na hindi gusto ng kaibigan kapag tinatawag siya nito sa kaniyang pangalan at hindi sa palayaw.

"Mamaya, pag-out natin, kain tayo sa karinderya. Kung gusto mo, shot tayo para naman maibsan 'yang heartache mo."

Graveyard shift o panggabi ang oras ng trabaho ni Tope, pinili niya ang ganitong propesyon sa kadahilanan na ibig niyang gising na lang sa gabi at nagtatrabaho kaysa sa nakatunganga siya at muling papasok sa kaniyang isipan ang nakaraan niyang masalimuot.

Alas-tres na ng madaling araw nang matapos ang kanilang trabaho, alas-sais ang oras ng kanilang pasok. Sa huli, napapayag din ni Idrelle si Tope na sumama sa kaniya.





"So, who's the girl you're talking about?" tanong ni Idrelle habang abala sa pag-kain ng lugaw at pares. "Ate, pahingi nga ng itlog saka kalamansi. Salamat." Sabi niya sa waitress. Namula naman ang pisngi nito dahil sa presensiya ng dalawang binata.

Hindi mai-tatanggi na guwapo rin si Idrelle. May lahi itong Espanyol kaya naman maputi rin ito at makisig ang pangangatawan. Dalawampu't apat na taong gulang na ang binata.

"Hindi na mahalaga 'yon, bakit ba napaka-tsismoso mo?" tudyo ni Tope sa kaibigan. Kahit pa tatlong buwan pa lang niya itong kilala ay alam na niya ang ugali nito.

"Ay wow, nagsungit ang isang Christopher!" buwelta naman ni Idrelle.

Hindi na lamang siya kinibo ni Tope at pinagpatuloy na lang ang pag-kain. "Bakit hindi mo na lang samahan 'yung girlfriend mo? Natalia ba pangalan no'n?" tanong niya.

"Sus! Pare, ang chix, hindi pinapatagal 'yan. Umabot na nga kami ng isang buwan ni Nat, okey na 'yun." Tugon nito.

Napailing si Tope sa sinabi ng kaibigan. "Relle, ang mga babae, hindi dapat pinaglalaruan 'yan. Kung hahanap ka ng mamahalin mo, make sure na seseryosohin mo. Balang araw, makakahanap ka ng katapat mo. Ako nagsasabi sa'yo." Uminom si Tope sa bote ng softdrinks.

131 Years (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon