Naalimpungatan ako dahil sa malakas na pagkatok na narinig ko mula sa labas.
"Kuya? Kuya, pabukas ng pinto!" sigaw ng isang babae.
Ano ba iyon? Bakit tinatawag akong 'kuya'? Naging lalaki na ba ako?
Teka! Hindi kaya...
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at halos himatayin ako nang mapagtanto kong nasa silid pa rin ako ni Vicente. Mataas na ang sikat ng araw sa labas.
Shit! Nakatulog ako? Ang tanga mo talaga, Dalia!
Halos magwala ang puso ko nang maramdaman kong nakayakap si Vicente sa beywang ko dahil nasa likuran ko siya. Oh, my!!!
Sinilip ko siya at tulog na tulog pa ito.
Teka! Bakit may matigas akong nararamdaman sa likod ko?!
"Kuya! Buksan mo ang pinto!" sigaw ulit ni Julieta sa labas. Oh, no!
Narinig kong umungol si Vicente at dahan-dahan siyang gumalaw at saka, bumitiw mula sa pagkakayakap sa akin.
"Dios mio!" Napatayo siya kaagad nang dahil sa gulat. Hindi rin niya yata alam na kayakap niya ako kagabi. Napatingin ako sa kaniya—magulo ang buhok at nakasuot ito ng puting pantulog, pero sobrang guwapo pa rin niya.
"Anong--- Paanong---" Hindi niya maituloy ang sinasabi niya dahil kumatok muli si Julieta.
Hinawakan ako ni Vicente sa kamay at nagmadali siyang ipasok ako sa ilalim ng kaniyang kama.
"Dalian mo!" sigaw niya. Halos sipain na niya ako nang dahil sa inis. Kaagad naman akong pumailalim sa kama niya. Hay!
Binuksan niya ang pinto dahil nagwawala na si Julieta.
"Buenos días," pagbati niya sa kapatid na si Julieta.
"¿Qué te llevó tanto tiempo abrir la puerta?" (What took you so long for you to open the door?) tanong ni Julieta. Ano raw? Puwerta? What? Bakit nag-uusap sila ng tungkol sa puwet?
"Estaba dormido. No estoy de humor para desayunar, tengo dolores de cabeza. Deseo descansar por un tiempo Julieta. ¿Entendido?" (I was asleep, I am not in the mood to eat breakfast for I am having headaches. I wish to rest for awhile, Julieta. Understood?) sagot ni Vicente.
"Sí, hermano," sagot naman ni Julieta. Sumakit naman ang ulo ko sa pag-e-espanyol nilang dalawa. Ganto ba talaga sila mag-usap sa umaga?
Isinara na ni Vicente ang pinto at narinig ko ang yabag ng paa niya na papalapit sa akin.
"Lumabas ka na," mariin niyang sinabi.
Gumapang ako palabas at nauntog pa ang ulo ko dahil kaagad ko iyon iniangat.
Napansin kong nakasuot lang ako ng sandong puti, kaya hinila ko ang balabal ko kagabi at saka, ibinalot iyon sa katawan ko.
"Ipaliwanag mo ang iyong sarili," seryosong saad niya. Hala!
"A, kasi ganito 'yan. Tumakas ako sa amin para humingi ng dispensa sa 'yo pagkatapos ay umakyat ako sa puno para puntahan ka. Pagkarating ko rito sa kuwarto mo, habang nagsasalita ako ay bigla akong inantok at may nakita akong pigura sa bintana mo. Hindi ko na alam ang susunod na nangyari. May nangyari ba?" tanong ko. Kaagad naman akong nagtakip ng bibig ko.
"Anong 'nangyari' ang tinutukoy mo? Buong akala ko ay yakap ko ang paborito kong unan, ngunit ikaw pala ang kayakap ko kagabi," saad ni Vicente. Nanginginig na ang tuhod ko kasi hindi ko inakala na magkayakap kami ni Vicente buong gabi.
BINABASA MO ANG
131 Years (PUBLISHED)
Historical FictionDalia Erasquin, isang babae mula sa modernong panahon ay napatay ng hindi niya kilalang salarin. Upang matukoy ang dahilan ng kaniyang pagkamatay, kailangan niyang bumalik sa taong 1889. Buhat ng isang misyon at pag-asang malaman ang katotohanan, sa...