"Ngayon ko lang nakita ang ganitong disenyo, hija. Isa ka ba sa tagapagsilbi ng pamilyang Lafuente?" tanong ng mananahi habang hawak ang papel kung saan nakalarawan doon ang disenyo ng trahe de boda.
"A, opo," niliitan ko pa ang boses ko na parang ipis para hindi niya mahalata kung sino ako.
"Napakagandang disenyo, ano nga pala ang pangalan mo uli?"
"Da—Darna po," tugon ko. Nakakaloka, hindi ko napag-isipan 'yung fake name ko.
"Darna? Bakit nakatakip ang iyong mukha?" tinalo pa si Tito Boy sa dami ng tanong!
"Pangit po kasi ako manang, e. Saka, hinahanap ko rin si Ding at ang bato, kukunin na lang daw ni Rosenda ang trahe niya sa susunod na linggo," nag-bow ako sa kaniya at saka, umalis.
Pumara ako ng isang kalesa at sinabi ko sa kutsero na magtungo sa bayan ng San Isidro. Napabuntong-hininga ako. Kailangan kong gawin ito.
Nagbayad na ako sa kutsero at bumaba na ng kalesa niya, panay ang hila ko sa belo kasi baka liparin ito at makita ako na pagala-gala sa karatig na bayan.
"Si Manuel?" tanong ko sa isang tagapagsilbi sa Jardín Eterno kung saan ako dinala ni Manuel noon. Nagtatanim naman ang tagapagsilbi niyang babae ng binhi sa lupa. "Este, si ginoong Immanuel?" paglilinaw ko.
"Sino po kayo?" nagtataka niyang tanong.
"Ako si Madre Cacao," mas lalong nagtaka ang babae.
"Ho? Madre? Ano po ang kailangan ninyo kay senyor Immanuel?"
"Bebendisyunan ko siya," sagot ko. Hindi naman na nakapalag ang babae at tumango na lang. Hindi dapat kinekwestiyon ang mga madre.
Mas gumanda ang hardin dahil mas dumami ang mga halaman dito, wala ring mga tao at tanging si ate girl lang ang nakita ko kanina. Nasabi rin ni Manuel noon na kaunti lang ang trabahador niya rito.
Palingon-lingon ako sa kaliwa't-kanan upang masumpungan si Manuel, nasaan na ba itong taong 'to?
'Di nagtagal ay nasilayan ko ang isang lalaki na nagduduyan, nakatalikod siya sa akin at hawak niya ang dalawang tali habang pinapadyak ang kaniyang paa.
Napalingon ako sa gilid at laking gulat ko dahil ang daming bulaklak ng Dahlia ngayon na nakatanim. Dati naman ay wala ito. Nagandahan na rin ata si Manuel sa ganoong bulaklak.
"Manuel?" mahina kong pagtawag, paglingon niya ay kapansin-pasin na nagulat siya sabay itinupi ang hawak na papel at itinago sa bulsa. What?
Nilapitan niya ako at tumama ang sinag ng araw sa kaniyang mukha, huling kita ko kay Manuel ay noong tinulungan niya kami makapasok sa bilangguan kung nasaan si Vicente. Hindi ko pa siya nagawang pasalamatan dahil doon.
"Sino ka?" tanong niya. May amnesia na siya?
"Heneral Immanuel, siya po si Madre Cacao, nandito raw po siya para bendisyunan ka," nagulat ako dahil umeksena 'yung babae kanina na nakasalamuha ko.
"Bendisyunan? Kailan pa ako nagpa-bendisyon?" nagtataka niyang tanong. Napakibit-balikat ang babae. Napasapo naman ako sa noo. Mukhang hindi uubra ang plano ko, a!
"Maiwan ko na ho kayo, Señor, Madre," nagbigay galang ang babae at iniwan na kaming dalawa ni Manuel.
"Pasensiya na madre, pero hindi ako—" hindi pa man natatapos ni Manuel ang kaniyang sinasabi, inalis ko na ang belong nakatalukbong sa ulo ko. Natigil siya sa pagsasalita. "Rosenda?" gulat niyang tanong.
"Oo ako nga," sagot ko.
"Pinasok mo na ang pagmamadre?" napailing ako. "Ano ang iyong pakay?" tanong niya, "At bakit ganiyan ang iyong kasuotan?"
BINABASA MO ANG
131 Years (PUBLISHED)
Historical FictionDalia Erasquin, isang babae mula sa modernong panahon ay napatay ng hindi niya kilalang salarin. Upang matukoy ang dahilan ng kaniyang pagkamatay, kailangan niyang bumalik sa taong 1889. Buhat ng isang misyon at pag-asang malaman ang katotohanan, sa...