Kabanata 20

2.6K 138 45
                                    

Isang linggo na ang lumipas mula nang malaman kong nagdadalang-tao si Adelina. Isang linggo akong sinusulatan ni Vicente at pinakikiusapan ako na makipag-usap ako sa kaniya. Pero hindi ko iyon tinutugunan.

Naging abala na lang ako sa pagtulong sa mga gawaing-bahay dito sa mansiyon kahit madami kaming tagapagsilbi. Nag-aral akong magburda, magpinta, at magluto ng kung ano-anong putahe. Nagtataka nga sina kuya Antonio dahil nagiging masipag na raw ako. Naghahanap lang talaga ako ng pagkakaabalahan para hindi ko maisip si Vicente.

Pilit pa ring sumasagi sa isip ko kung kailan may nangyari sa kanilang dalawa ni Adelina, na sa likod ng mga ngiti sa akin ni Vicente ay isang lihim na hindi niya nasabi.

Pero, dapat bang umasta ako nang ganito? Una pa lang ay balak ko nang itigil ang kasal, at hindi naman sila kasama sa misyon ko.

"Señorita?" Na-distract ako sa iniisip ko nang marinig ko ang boses ni Angelita na kasama si Normita.

"Tinatawag po kayo ng iyong kuya Antonio. Kakain na raw po kayo ng tanghalian," tugon ni Angelita.

"Kambal, pasok nga kayo," sabi ko. Nagkatinginan sila sa word na ginamit ko. Pumasok naman sila at saka, tumayo sa harapan ko.

"Bakit po, Binibini?" tanong ni Normita.

"Halika! Upo kayo sa tabi ko." Tinapik ko ang kama ko at saka, umusog. Nag-alinlangan pa sila nang una pero tinabihan din nila ako.

"Naranasan n'yo na bang magkaroon ng crush?" tanong ko.

"Po?"

"Crush. Paghanga. Paghanga sa isang tao," pagpapaliwanag ko.

"Noong mga bata pa lang po kami ni Angelita, Binibini. Pareho po kami ng hinangaan," saad ni Normita. Sinagi naman siya ni Angelita sa tagiliran.

"Kapitbahay po namin siya noon sa pamilyang pinagsilbihan namin sa Maynila," pagpapatuloy niya.

"Hala! So, magkaagaw kayo sa crush n'yo? Ay, este, sa hinahangaan n'yo?" tanong ko.

Napatingin si Normita sa itaas na parang nag-iisip. "Kapatid ko naman po si Angelita. Hindi namin nakita ang isa't iisa nang ganoon. Simpleng atraksiyon lamang 'yon, Binibini."

"Umiibig ka na po ba, Bb. Rosenda?" tanong ni Angelita.

Napatakip silang dalawa sa bibig na parang mga sinaunang tsismosa.

"May nararamdaman na ba kayo kay Señor Vicente na dati ninyong kinamumuhian?" kinikilig na tanong ni Angelita.

"Señorita, batid naming may nararamdaman na para sa 'yo ang Heneral. Kaya, iba ang mga titig niya kay G. Manuel."

"Tamà ka r'yan, Normita. Noong nakaraang linggo na narito si señor Vicente ay hindi ko sinasadyang malingat ang aking mga mata sa kaniyang katawan, sapagkat wala itong damit pang-itaas," sagot naman ni Angelita.

"Susmaryosep, Angelita! Ngunit tamà ka, napakaganda nga ng katawan ni señor---" Hindi na nila natapos ang kanilang pagnanasa kay Vicente nang um-eksena ako.

"'Tapos ano pa? Ano pa'ng nakita n'yo?" tanong ko. I can't believe na pinagnanasaan nila ang baby ko at sa harap ko pa.

"Paumanhin, Binibini. Hindi maganda ang aming mga sinambit," tugon nila. Ngumiti naman ako.

"Ito po kasing si Angelita..." paninisi niya sa kapatid. "Ikaw ang sumilip kay señor!" sigaw naman ni Normita. Hala! Magsasabunutan pa yata sila!

"Huwag nga kayong magtalo r'yan," natatawa kong pag-awat sa kanila.

"Lahat naman tayo ay nakita ang sexy body ni Vicente. Nakakakilig 'di ba?" sabi ko pa sabay talon with matching palakpak. Napansin nilang dalawa ang hindi pangkaraniwan kong kilos.

131 Years (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon