Kabanata 27

2.2K 130 78
                                    



Maghapon akong nakakulong sa silid habang hawak-hawak ang dream catcher na ginawa ko para kay Vicente.

Pinikit ko ang aking mga mata at inalala ang mga nangyari kagabi.

"Ano bang nangyayari sa'yo, Rosenda?!" akmang sasampalin ako ni Ama pero agad itong napigilan ni kuya Antonio. Kakauwi ko lang galing kina Vicente at nang madatnan ko si Ama ay hindi niya pinalampas ang pagkakataon na parusahan ako dahil sa pagkakamali ko.

Napahilamos sa mukha si Ama, "Sinabi ko sa iyo na umuwi ka na at ano ang iyong ginawa? Tumuloy ka muli sa bahay ng De la Vega na iyon!" umalingangaw ang tinig niya sa buong mansiyon.

"Noon pa man ay sutil ka na ngunit hindi ko inaasahan na hahantong ka sa ganito. Ika'y malala na!" tinulak ako ni Ama at dahil mahina ang aking katawan, bumagsak ako sa sahig.

Agad akong tinulungan tumayo ni Leonardo na nasa opisina rin ni Ama.

"Ano ba ang ibig mong gawin, Rosenda? Nais mo ba na itakwil na lang kita? Ikaw naman Antonio, Leonardo, nagawa ninyong ilihim sa akin na isasama ninyo si Vicente sa daungan sa Maynila!" hiyaw ni Ama. Wala namang imik si Kuya at Leonardo.

Niyakap ako ni Ina at halos iharang na niya ang buong katawan, huwag lang ako saktan ng kaniyang asawa.

"Huwag niyong palalabasin ng silid ang batang iyan hangga't hindi ko pinahihintulutan. Normita, Angelita! Akin na ang susi at kandado. Walang puwedeng pumasok sa silid ni Rosenda kahit na sino, hahatiran niyo lamang siya ng pagkain kung kinakailangan," anang Ama.

"Opo, Don Fabio." Sagot ni Normita at Angelita.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko dahil sa nangyari. Pinunasan ko agad ito at inipit sa talaarawan ko ang maliit na dream catcher na binalik ni Vicente. Kumuha ako ng tinta at pluma saka, sumulat.

Isang nakakalungkot na araw ang nangyari sa akin. Hindi ko nagawang aminin kay Vicente ang nararamdaman ko para sa kaniya. Nagsinungaling pa ako at hindi ko naamin na hindi na ako ikakasal sa kaniya. Labis ding gumugulo sa aking isipan sina Manang Ester at mga anak niya. Hindi ko matanggap na wala na sila.

Kung may kakayanan lang ako humiling, nais ko hilingin na ibalik mo na ako sa panahon ko, dahil hindi biro ang mamuhay sa panahon na ito. Hindi ako ganoon kalakas para matunghayan ang kamatayan ng mga taong nagmalasakit at nagmamalasakit sa akin

Nalulumbay,

-Dalia Erasquin

Sinara ko na ang talaarawan at napabuntong-hininga. Dumako ang paningin ko sa bayong na may lamang libro na natatandaan kong binigay para sa akin ni Vicente.

Hindi ko pa pala nabigyan ng pagkakataon na basahin ang libro na binili niya para sa akin.

Tumayo ako at kinuha ang librong pinamagatang: 'Ang Aking Lihim'. Manipis lang ang nobela at may kalumaan na ito. Na-curious naman ako bigla sa plot ng libro kung kaya't naisipan ko itong basahin.



Ang Aking Lihim

BUOD

Misyon ng Diwata na parusahan ang binatang si Victor sapagkat sinira niya ang puno na siyang tinitirahan ng mga diwata.

Nakilala ng isang magsasaka ang Diwatang nagpapanggap bilang isang tao. Naatasan ang diwata na parusahan si Victor at sirain ang kaniyang mga ani at iba pa niyang pangkabuhayan dahil sa kasalanang nagawa.

Ngunit, hindi ito nagawa ng diwatang nagpakilala sa binata bilang 'Laurentia' kapalit sa tunay niyang ngalan na 'Lihima'. Ubod ng bait ang binatang si Victor, idagdag mo pa ang ka-gwapuhang taglay niya. Kaya naman, hindi napigilan ng diwata na mas mapalapit sa binatang nararapat niyang parusahan.

131 Years (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon