Kabanata 19

2.8K 151 66
                                    



Hacienda De la Vega, 1889


"Mabuti naman, ate Rosenda, at maayos na ang pakikitungo mo sa aking kuya," sambit ni Julieta sabay inom sa tubig niya. Nandito pa rin kami sa mansiyon nina Vicente. Apat kami na kumakain dito kasama ang mga kapatid ni Vicente. Pinagsasaluhan naming lahat ang iniluto kong nilagang baka. Katabi ko si Miguel at nasa tapat namin si Julieta at Vicente.

Halos walang kibo si Vicente dahil busy siya sa kakakain, pati na rin ang mas nakababatang kapatid niya na si Miguel.

"Tamà nga ang aking Kuya na mas kanais-nais ang iyong ugali ngayon. Madalas ka niyang na-i-kukuwento sa amin---" Hindi pa man niya natapos ang kaniyang sasabihin nang bigla siyang sagiin nang marahan ng kuya Vicente niya.

"Kumain ka na lang d'yan Julieta. Masama ang panay kuwento sa hapagkainan," mariing suway ni Vicente.

"Nasaan na ba si Ama?" tanong ni Miguel na nasa tabi ko. "Akala ko pa naman ay uuwi siya ngayong tanghali," dagdag pa nito.

"Siguro ay may importante lang itong ginawa sa himpilan," tugon ni Vicente sa kapatid.

"Napakasarap ng luto mo, ate Rosenda. Ano ang sikreto mo rito?"

"Pagmamahal," tugon ko.

Napabitiw naman sa pagkakahawak ng kubyertos si Julieta dahil sa sinabi ko.

"Biro lang. Siyempre, pagmamahal. Kapag magluluto ka ay dapat gusto at mahal mo ang ginagawa mo. Kasi kung hindi ka masaya, papangit ang lasa ng lulutuin mo," sambit ko. Napatango naman si Vicente sabay higop sa sabaw.

"Malapit na pala ang kaarawan mo, Julieta. Ano ang 'yong hiling?" tanong ni Vicente.

Pinaikot ni Julieta ang mahabang buhok sa kaniyang daliri. "Sana, babae ang maging supling n'yo," sagot ni Julieta. Ako naman ang nakalaglag ng hawak kong kubyertos ngayon. Nakakaloka!

"Para may pamangkin ako at may kalaro na babae. Nakakasawa rin na panay ginoo ang nasa loob ng tahanang ito," dagdag pa ni Julieta.

"Ano'ng masasabi mo, ate Rosenda?" tanong ni Miguel. Napansin kong mas maliit at mas payat siya sa kaniyang kuya at hindi rin sila magkakamukha.

"H-Ha?" sagot ko.

"Magsitigil nga kayong dalawa. Julieta, Miguel, huwag n'yong paambunan ng mga ganiyang katanungan ang Binibini," pagsusuway ni Vicente.

"Ikaw naman, Vicente, hayaan mo na silang dalawa. Naiintindihan ko naman si Julieta. Kahit ako rin sa bahay namin, si kuya Antonio lang ang nakakasama ko roon bilang kapatid. Mas maganda pa rin kapag may nakakausap ka ring babae," paliwanag ko.

"Ibig mo bang sabihin na nais mo magkaanak ka sa akin---" Bago pa tapusin ni Vicente ang sinasabi niya ay napatayo ako bigla, dahilan para umuga nang bahagya ang lamesa, pati na ang mga pinggan dahil tumama ang tuhod ko roon.

"Nako! Anong oras na pala! Kailangan ko pang sumayaw ng Cha-cha," bulalas ko sa magkakapatid. Lahat sila ay nakatingin sa akin na parang siraulo. "Ganito, o!" sambit ko sabay sayaw ng cha-cha.

"A-Ayos ka lang ba, ate Rosenda? Gutom ka pa ba?" tanong ni Julieta. At napatingin din siya sa kaniyang kuya Miguel. "Kuya Miguel naman kasi, halos inubos mo na." bulong pa niya.

"E ba't ba? Gutom ako, e." nahihiyang tugon ni Miguel na inusog pa ang plato sa harapan animo'y nagtampo ito.

"Halika na nga!" Tumayo si Vicente at tinapik ako sa balikat. "Julieta, Miguel, maiwan ko muna kayo. Huwag n'yong bibigyan ng sakit sa ulo si Ama pagkarating."

131 Years (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon