1: Yngrid Marie Lucero

166 3 0
                                    

" Dugyot"

" Ikyang! Hindi ka pa ba gigising diyan?! Nako tanghali na ah!"

" Ayan kasi! Kakapanood mo yan ng mga anime! Nako! Itatapon ko talaga yang laptop mo! Makikita mo talagang bata ka!"

Sinubukan kong hindi pakinggan ang bunganga ng nanay kong tumatalak na naman. Halos alarm clock ko na bawat umaga ang mga sigaw niya. Kinuha ko ang unan sa tabi at tinakip ito sa aking mukha.

" Ano ba! Hindi ka ba talaga gigising ha!?"

Mabilis akong napabangon at nakapikit na ginulo ang buhok.

" Naman eh. Ang ingay-ingay. Natutulog pa nga iyong tao."

" Ano ba! Iiwan ka na namin ng tatay mo! Bumangon ka na!"

Inis akong napatingin sa bintana na noon ay pumapasok na ang mainit na sinag ng araw. Tiningnan ko ang alarm clock na sinadya ko talagang hindi e-set kasi ang ingay lang tuwing umaga eh.

Pero iyon naman dapat ang purpose ng alarm clock, di ba? Ang gisingin ka? Pero ano pa bang silbi nito kung may mother Teresa ka naman na palaging sumisigaw tuwing umaga?

Natawa nalang ako sa pangalan ng nanay ko. Kung sana naging ganun lang ito ka tahimik at bait katulad nalang ng pangalan nito kaya lang napakabungangera nito eh!

Pero ilang sandali pa ay napadilat naman ako nang makita kung anong oras na.

Patay! Alas otso na pala ng umaga! Paniguradong late na ako nito.

Mabilis akong napatakbo ng banyo at walang ano-ano ay naligo na. Paglabas ko ay pilit kong sinusuklay ang mahaba kong kulot na buhok na kulay itim. Nababasa na ang likod ng uniporme ko.

" Ayan kasi! Late na kung gumising di wala ng time mag blower diyan sa mahaba mong buhok! Kung ako sayo ipapaputol ko na yan hanggang tenga nang sa ganun hindi ka mukhang basang sisiw tuwing umaga."

Parang wala lang akong narinig mula sa litanya ng nanay ko. Tuwing umaga ay palagi nalang siyang ganyan. Mga pangaral na walang katapusan.

" Inky anak..dalian mo na riyan. Mahuhuli na tayo. Unang araw mo pa naman ito sa bagong skwelahan ngayon."

Ngumiti ako sa tatay ko na si father Pedro. Hayyst. Alam ko nagtataka kayo kung bakit ke babanal ng mga pangalan nila. Ako rin naman nagtataka na kung bakit ganun ang mga pangalan nila.

Pero dahil wala na talaga akong oras at mahuhuli na ako ay hindi na ako nag-aksaya pa na halungkatin ang rason ng mga pangalan nila.

" Oo, tay."

Kumain lang ako ng isang pandesal at madaling humigop ng kape.

Puro mga guro ang mga magulang ko na parehong nagtuturo sa sekondarya sa isang public school dito sa amin. Kaya naman hindi ko masisi ang nanay kong kada-umaga nalang kung tumalak kasi maging ito ay nagmamadali rin.

Grade 8 na ako at ngayon ang simula ng araw na sabay na kaming papasok ng school. Nasa private school ako noong Grade 7 pa ako kaya lang dahil hindi na rin kinaya ng parents ko ang tuition doon kaya naman tinransfer nalang nila ako rito sa pinapasukan nilang eskwelahan.

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako sa unang araw ng pasukang ito. Wala na kasi iyong mga close friends ko noong elementary.

Halos lahat sa kanila ay nagtransfer na sa mga private school dito sa Manila at iyong iba naman hindi ko alam kung dito rin ba nag-aaral.

Sana naman may maging kaklase pa rin ako na kilala ko. Sana kaklase ko pa rin ngayon ang ibang kaklase ko noong elementary ako.

Sa laki ng Pasig National High School ay hindi ko agad nahanap ang room na papasukan ko. Nako..nakalimutan ko palang tingnan kahapon kung saang section ako ngayong taon.

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon