" Campus Journalism"
" 3rd place in Feature Writing Contest, Yngrid Marie Lucero!" Napadilat ako sa narinig. Gutom na gutom na ako at kating-kati na ang mga paa ko na tumakbo sa tent namin na nasa malaking ground ng school.
Senor high na kami ngayon. Nasa Grade 12 at puro kami GAS. Sinadya talaga namin na magpahuli sa enrolment para same kaming lima ng section.
Kasalukuyan kaming uma-attend ng workshop seminar hosted by our school publication. Actually sumama lang talaga ako sa barkada rito. Sabi ni Betina ay kailangan daw namin ito para madagdagan pa ang extra curicullar points namin.
Sa totoo lang hindi ko naman kailangan ang points na'yan kasi useless lang dahil hindi naman ako honor student.
Para makaiwas sa mga gawaing bahay sa loob ng tatlong araw ay syempre dahil dakilang tamad ay pumayag na ako. Libre naman ni Jeff ang registration.
Kahit paano ay nakakaenjoy din naman pala ito. Marami akong natutunan lalo na sa pagsusulat ng mga poems at feature story.
Alam kong hindi ako ganun ka talino pero pumapasa naman ako sa English at Filipino subject kaya hindi na ako gaanong nahirapan sa mga activities sa training na ito. Nagulat talaga ako na nanalo pa ako.
Kinantyawan ako ng barkada mula nang marinig ang pagkakatawag sa aking pangalan.
Inakbayan ako ni Jeff at ginulo ang syempre ang kulot ko na buhok. Nasanay na rin ako sa buhok ko na maikli. Kahit mukhang salot ito ay nakaugalian ko ng ipa-trim ito sa syempre sa parlor na sinabi ng nanay. Ayoko na talaga bumalik sa parlor na pinagupitan ko noong una baka kalbuhin na nila talaga ako.
Mabilis akong napatakbo sa stage at kinuha na ang medal at certificate. Ngumisi ako sa mga kaibigan nang itaas ko ang mga awards na nakuha.
Nang makabalik sa upuan ay pinagkaguluhan nila tingnan ang certificate ko.
" Grabe, hindi ko akalain na magaling ka pala sa pagsusulat, Inky! Bagay talaga sa'yo ang nickname mo!" Napangiti ako sa sinabi ni Jeff. Himala yata na hindi ako inaasar nito ngayon at mukhang proud pa talaga ito sa akin dahil sa pagkakapanalo ko.
" Magaling naman talaga yang si Ikyang, Jeff!" Natigilan kaming lahat mula sa sinabi ni Betina.
Mabilis akong napadilat sa kanya na ngayon ay nakangiwi na.
" Ayy nako sorry, best." Sumenyas siya sa akin ng peace sign.
Hinila ko ang buhok niya. Loko kang babae ka! Sinabi nang wag mo ako tawagin sa ganyang palayaw dito!
Nagkatawanan silang lahat at yun nga nagkaroon na naman ako ng bagong pangalan sa barkada namin.
" Nako ang galing nga ng lola niyo. Kapag naging writer ka in the future, Ikyang ang gawin mong pen name ha!" Pinipigilan ko ang inis mula sa sinabi ni Bryle. Sege lang mang-inis lang kayo.
" Tama! Bagay nga sa'yo ang Ikyang!" Sinabunutan ko rin si Tessa mula sa sinabi.
" Pero seryoso, Inky. Ang galing mo." Natigilan kaming lahat mula sa sinabi ni Jeff. Nakita ko siyang binabasa na ang gawa ko na nagpanalo sa akin.
Tungkol kasi sa pangungulila sa isang tao ang sinulat ko. Napatikhim si Betina at inakbayan si Jeff. Sanay na rin kami na touchy sa isa't isa ang dalawa. Kahit na hindi pa rin na define ang relationship nila pero para sa amin ay para na talaga silang official couple.
" Of course! Magaling naman talaga siya Jeff. Alam mo bang noong bata pa kami ay palagi siyang nagsusulat ng mga poems at binibigay sa akin. Gusto mo mabasa ang mga gawa niya?"
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...