" Promise"
Anong ginagawa niya rito? Lumingon ako sa likod niya pero hindi ko nakita si Betina. Kinakabahan ako nang biglang tumabi siya sa akin ng upo.
Anong gagawin ko? Kung tatakbo ako ngayon ay paniguradong hihilahin lang niya ulit ako paupo. Ang hirap kasi ng ginawang style sa study area na ito. Masyadong mataas ang mga upuan at hindi ka agad makakatayo kung may mabilis kang tatakasan.
" Nasaan si Betina? Bakit hindi mo siya kasama?"
Hindi niya ako sinagot bagkus taimtim lang siyang tumitig sa akin. Huminga ako ng malalim at nagulat na lang ako sa biglang pagkabig niya ng yakap sa akin.
Itutulak ko sana siya pero natigilan ako. Parang nawalan ako ng lakas gawin iyon.
Ilang buwan ko ring tiniis na hindi siya pansinin. Sa totoo lang ay sobrang namimiss ko na talaga siya. Kahit ngayon lang. Magiging makasarili ako. Kahit ngayon lang ay iisipin kong wala akong pinoprotektahan na damdamin ng iba.
" I'm sorry, Inky. I'm sorry. Betina told me everything." Sa hindi mawari ay parang nagising ako sa katotohanan nang marinig ko iyon sa kanya. Mabilis ko siyang tinulak.
" What happen Jeff? Anong nangyari sa inyo ni Betina?"
" Wala na kami, Inky."
Napadilat ako mula sa narinig sa kanya. Paanong? Bakit? Anong?
" I can't forgive her asking you to give up our friendship just to protect her stupid jealousy. You should have told me first, Inky."
Napaawang ang labi ko at natigilan na naman. Tiningnan ko siya ng maigi at napalabi.
" Bakit ka nakipaghiwalay sa kanya? " Mahina lang iyong pagtatanong ko sa kanya.
" Ayoko na sa kanya. She's too selfish and possessive. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa atin, Inky."
Napayuko ako at parang may dumagan na kung anong matalim na bagay sa aking lalamunan. Inis akong napaangat ng tingin sa kanya.
" Alam mo di bang matagal ng may gusto sa'yo si Betina? Bakit ginagawa mo ito sa kanya, ha?! Bakit mo siya pinapahirapan?!"
Hindi ko alam na nakakagalit na pala sa pakiramdam ang lahat. Nagparaya ako hindi para makitang masasaktan lang sa huli si Betina.
" Inky! That girl broke our friendship!"
Pinipigilan ko ang mga matang hindi mapaluha sa narinig sa kanya.
" Pero sa ginawa mo ngayon Jeff, sinisira mo rin ang friendship namin ni Betina!"
Natigilan siya sa narinig sa akin at nagulat pa ako sa biglang pag-iyak niya.
Shit. Para talagang bata ito. Bakit siya umiiyak? Bakit ka umiiyak ngayon?! Ha?
" You betray me, Inky. You betray me." Mahina niyang saad sa akin.
Natahimik ako mula sa narinig sa kanya.
" I was just the only one thinking that all that is happenning between us is real. Akala ko iba ka sa kanila! Akala ko hindi ka katulad niya! But you end up becoming the person I hate to know! You leave me so easy! Puro ka nalang si Betina! Bakit siya lang ba kaibigan mo?"
Nakita ko ang matinding hinanakit sa mukha niya. I saw pain in his handsome face that I only once saw the moment I accompanied him last time he visited his real father.
Shit. Bakit parang bumaliktad na ang sitwasyon ngayon?
" Napakaimportante ka sa akin, Inky. Pero bakit mas inisip mo lang ang damdamin niya kesa sa akin? Bakit sa tingin mo noong iniwan mo ako, hindi ako nasaktan? Sa tingin mo talaga ganun lang kadali na kalimutan ang lahat sa atin?"
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...