9: Yngrid Marie Lucero

49 3 0
                                    

" Best Konrabida"

Sinubukan kong baliwalain ang kakaibang nararamdaman para kay Jeff pero habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Hindi ko maintindihan ang matinding selos na nararamdaman sa tuwing nakikita kong mas lalo lang silang nagkakamabutihan ni Betina.

" Oh, ano ito Inky? Bakit mo biglang pinatay sa huli ng storya sina Don Juan at prinsesa Maria Blanca? Di ba sila ang nagkatuluyan sa kwento ng Ibong Adarna?"

Napahalukipkip ako mula sa sinabi ng lider namin na si Nathan. Magkakaroon kasi kami ng isang dula-dulaan tungkol sa Ibong Adarna. Hindi ko maintindihan ang world lit teacher namin kung bakit kailangan magfocus pa siya sa Philippine literature eh tapos na naman namin pag-aralan ang Ibong Adarna noong grade 7 pa kami.

Inis akong napatingin sa sinulat na script. Simula nang manalo ako noong nakaraang camp journalism ay sa tuwing magkakaroon ng dula-dulaan ay ako na ang pinagsusulat nila sa script. Suhesyon kasi ito ni Jeff at syempre kahit ayaw ko ay hindi ko naman siya matanggihan.

" Ah, ha? Binago na ba ang storya? Akala ko kasi namatay sila." Si Jeff kasi ang gaganap na Don Juan habang si Betina kay Maria Blanca.

Sa totoo lang kahit hindi ko sinasadya at ayaw ko sa nararamdaman na inggit kay Betina pero minsan gusto ko na naman maging selfish para sa kaibigan. Natatakot ako sa nararamdamang ito. Baka kung ano pa ang gawin ko at hindi ko na talaga mapigilan ang sarili.

" Anong binago? Iyon talaga ang storya. Dali! Baguhin mo na agad. Ito naman. Di ba sinabi ko sa'yong basahin mo muna ang librong binigay ko sa 'iyo?"

Napangiwi ako sa utos niya. Wala sa mood na binago ko ulit ang ending ng script.

" Inky, umatras si Lyka sa role na serpyente. Ikaw muna ang gaganap. Wala ng angal kasi wala na tayong oras. Bukas na gagawin ang drama."

Gusto ko sana tumutol at ipagsigawan sa lahat na ayoko. Pero kahit anong pilit ko ay hindi siya pumayag. Inis akong napatingin sa costume na susuutin.

Tsk. So ang maging ahas na kontrabida lang pala ang kababagsakan ko. Ahas na may pitong ulo! Nanghihina ang katawan na kinuha ko iyon.

" Oh! Bakit busangot iyang pagmumukha mo Inky?" Nakita ko si Jeff na nakangising lumapit sa akin. Agad niya akong inakbayan. Huminga ako ng malalim at sinubukang hindi mailang ulit sa mga akbay niya.

" Wala!" Pero narinig ko siyang humagalpak ng tawa nang makita ang costume na hawak ko.

" Huwag ka nga tumawa."

" Pasensya na. Pero I think mukhang bagay naman sa'yo ang role. " Matalim ang mga titig na ibinigay ko sa kanya at nag walk out. Kahit naririnig ko ang mga pagtawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingon. Hanggang sa matisod ako ng kung anong bagay na iyon.

Pagyuko ko ay nakita ko ang bola ng volleyball. Kinuha ko iyon at nakita si Enzo habang patakbo patungo sa akin.

Mukhang sa kanya itong bola. Volleyball player kasi ito. Varsity player ng school kaya sikat siya at maraming mga babae ang nagkakandarapa sa kanya. Tsk! Kaya playboy!

Iniabot ko sa kanya ang bola at kinuha niya iyon habang nakangiti sa akin. Agad naman akong nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

Tsk. Bakit ba sa tuwing nakakakita ako ng gwapo ay bigla na lang akong kinakabahan?

" Sandali Inky!" Huh? Kilala niya ako? Kunot noong napalingon ako sa kanya.

" Salamat pala." Ngumiti siya at nakita ang pantay niya na mga ngipin. Moreno siya at para siyang si Adonis kung titingnan ang hubog ng kanyang katawan. Pang athlete talaga ang katawan nito. Mapupungay din ang kanyang mga mata na kahit hindi ganun ka tangos ang ilong pero bumagay naman iyon sa mukha niyang pang-artista ang dating. Makakapal din ang kilay.

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon