3: Yngrid Marie Lucero

64 4 0
                                    

" Tunay na mayaman"

Ang akala kong snob at maarteng lalaki ay hindi naman pala. Mabilis kaming nag-click ni Jeff sa lahat ng bagay. Pareho kaming mahilig sa animies, maglaro ng chess at higit sa lahat magbasa ng libro.

Kahit hindi ako ganun ka talino sa klase ay namamangha ako sa talino niya. Sabagay galing nga siya sa isang exclusive private school so normal na talaga na ahead sila kumpara rito sa public.

Pero maaasahan mo talaga ito tuwing emergency times. Ang galing sa math! So alams na agad kung saan mangongopya tuwing may mahirap na assignments.

Ayon sa kanya kaya lumipat siya sa public school upang ipamukha sa stepdad niya na kaya niyang mag-aral na hindi umaasa sa pera nito.

Bata pa lang daw sila ng kapatid na babae ay naghiwalay na ang kanilang mga magulang. Nakulong kasi ang kanilang daddy dahil nabaon sa utang. Nalulong kasi sa bisyo at pagsusugal ito.

Sabi niya napaka-high maintenance raw ng kanyang ina na dating sikat na artista. Nang makulong ang kanilang ama ay agad na nakipaghiwalay ang kanilang ina rito at nagpakasal sa isang mayaman na byudo.

" Mabuti at pinayagan ka ng mommy mo na dito mag-aral sa public school."

" Bahala siya. Kesa hindi ako mag-aral."

Napanguso naman ako habang napatingin sa kanya.

Haynako! Ang mga mayayaman talaga napakaraming drama sa buhay!

Nasa canteen kami ng school. Recess time na kasi at maraming mga estudyante ang nakapila agad sa may counter para umorder ng pagkain. Ang dalawa naming kaibigan na sina Bryle at Tessa ay hindi pa tapos at nakapila pa rin. Hinihintay namin silang dalawa.

" Bakit hindi mo na lang kasi nilunok iyang pride mo. Paano ka na ngayon? Saan ka kumukuha ng allowance mo?"

" Kay mommy."

Napamulagat ako sa narinig sa kanya. Muntik pa akong mabilaukan sa kinakaing burger.

Seryoso ba siya?

" Ha?! Akala ko ba hindi ka aasa sa pera ng step dad mo?"

" My mom has her own money. It is just her money is not enough to sustain all her 'capricio."

Eh di wow. Lakas din naman ng trip ng lalaking ito. Baka nag-eexperiment lang talaga ito at tinatry niya na mag-aral sa public para ma-defferentiate ang kaibahan sa private at public.

" Kung ako sayo lunukin mo nalang yang pride mo. Bata pa tayo at talagang kailangan pa natin ang suporta ng ating mga magulang. Ang swerte mo nga dahil isinilang kang mayaman."

" Pwede ba Inky, hindi ako nag-aral sa public school para pangaralan mo. Nanay ba kita?"

Natawa ako sa narinig sa kanya. Ang cute kasi nito magreklamo sa mga talak ko.

" Nahawa ka na kay mother Teresa?"

Mas lalo naman akong natawa sa tinuran niya. Kilala na kasi niya ang nanay ko dahil Araling Panlipunan teacher namin ito.

" Hoy! Kayong dalawa! Tapos na ba kayo diyan?! Nako nakakainis ang bagong bantay sa canteen na ito ha. Sabi ko lagyan ng maraming manok ang aruzcaldo ko! Aba! Siningil ba naman ako ng additional na sampong piso." Si Bryle na halatang aburido na. Matabang bakla kasi ito kaya palaging gutom.

" Nako Bryle, yaan mo na manlilibre naman mamaya si Jeff! Di ba Jeff?" Si Tessa na excited sa sagot ni Jeff.

" Ano bang gusto niyo? Sabihin niyo lang at bibilhin ko!"

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon