26: Yngrid Marie Lucero

58 3 0
                                    

" Ice cream in a cold weather"

Nasa loob ako ngayon ng kwarto namin ni Tessa habang sinasagutan ang FS notebook ko para sa kaninang field study. Umiiyak ako habang wala pa ring maisulat. Napapapikit ako sa pag-eemote lalo at sinabayan pa ng background music na "Labis na Nasaktan" by Jennelyn Yabu.

Naka-upo ako rito sa aking table habang nasa tapat ang bintana. Nakikita ko mula sa labas ang malakas na buhos ng ulan.

Shet! Nakakabroken hearted ang effect ng mga nangyayari ngayon. Makulimlim ang langit at tila may malakas na bagyo ang darating.

Sana lumakas pa ang ulan nang ma-cancel ang klase. Mahirap maging ulirang estudyante kapag ganitong broken hearted ka. Sige ulan! Bumuhos ka pa! Damay-damay na 'to!

Pinahid ko ang luha at sinubukan na sagutan pa rin ang FS notebook ko pero hindi ko talaga kaya. Inis kong binagsak ang ballpen at umiyak ng umiyak habang tanaw ang tubig ng ulan na rumaragasa sa salamin ng bintana ng kwarto.

Labis na nasaktan ako sa mga alaala. Kahit na habulin ka, kahit na pilitin ka. Wala na ba akong pag-asa pa? 🎶

Napahagulhol ako mula sa lyrics dahil tugmang-tugma talaga sa nararamdaman ko.

Dinggin mo ang tibok ng puso. Sayo'y nangungungulila. Paano na ako? Paano na tayo? Paano na ang puso kong ito? 🎶

Huhuhu! Paano na ito ngayon? Isipin pa lang na hindi na niya kami mahatid sundo sa skwelahan dahil busy na siya sa girlfriend niya. Palagi siyang wala sa condo at halos hindi na kami nagkikita araw-araw kasi late na siyang umuuwi dahil sa kakadate sa babaeng 'yun.

Labis mong sinaktan ako. Sobrang nahihirapan..whooh. . .Hindi ko makakaya..na sa isip ay lisanin. Akin hinihiling muli ay tanggapin. Dalangin ng pusong sumisigaw. Labis na nasaktan ako... 🎶

Pahawak-hawak pa ako sa aking dibdib habang umiiyak na ninanamnam ang kanta. Napapapikit akong umiiyak na para bang namatayan. Naghalo na ang luha at sipon ko sa kakangawa.

Hindi ko kaya..bakit..bakit? Bakit Jeff?!! Bakiiit???!

Isang malakas na hampas sa aking ulo ang nagpatigil sa akin. Parang nasamid pa ako sa kakahigop sa aking sipon dahil sa lakas ng hampas na iyon. Muntik pa akong mapasubsob sa mesa. Bigla rin niyang pinatay ang music.

Inis akong napalingon sa gumawa nun at nakita ko ang baklang dinosaur na hawak ang magazine na hinampas sa akin.

" Tumigil ka na Inky ha! Kanina pa ako naiinis diyan sa kakangawa mo! Abot hanggang sala! Hindi ako makapag-concentrate sa kakapanood ng videos! May practicum ako sa bar tending Inky! Please lang! patahimikin mo muna ang bahay kahit saglit lang!"

Aburido niyang tinapon sa akin ang hawak na magazine. Habang palabas siya ng kwarto ay inis kong ginaya-gaya ang kanyang sinabi.

Di uso headset sa inyo bakla?! Tsk.

Pinatong ko ang isang paa sa silya at pinahid ang naghalong luha at sipon sa aking mukha. Shit. Ang dungis ko talaga! Kaya hindi tayo nagugustuhan ng mahal natin eh. Wala tayong ka class-class o 'finesse' man lang!

Tsk! Nakakainis! Kumuha ako ng checheria at malahalimaw iyong binuksan saka mabilis na nginuya ang chips.

" Inky, bakit hindi ka na lang sumabay sa akin rito nang matigil ka diyan sa kaka-emote. Nagbreak na ba kayo ng boyfriend mo?"

Parang gusto ko mapa-ubo sa sinabi sa akin ni Tessa. Oo nga pala nasa gilid pala siya ng kama at nagyoyoga. Naka-work out outfit ito ngayon habang nakaupo sa kanyang yoga mat.

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon