" Unexpected Insults"
" Nathan, anong ginagawa natin dito sa Tondo?"
Hindi niya ako sinagot at basta na lang bumaba ng sasakyan. Pinagbuksan niya ako at inalalayang bumaba.
Pero in fairness sa kanya, sa limang taon naming relasyon ay consistent siya sa pagka-gentleman. Galante rin siya at kahit hindi totoo iyong amin ay feeling ko may jowa talaga ako. Tuwing Valentine's day ay may pa-flowers at chocolates siya sa akin.
Randomly kahit walang okasyon ay binibigyan niya rin ako ng kung ano-anong regalo. Kahit gusto ko man umasa na baka may gusto na talaga siya sa akin pero sa tuwing nagsasalita na siya ay napapawi na lang lahat ng pag-asa ko sa puso.
Ganun pa rin kasi ito kung makapagsalita sa akin. Ang sweet nga sa gawa pero ang bunganga ganun parin ka balasubas. Iniinsulto at iniinis pa rin ako nito hanggang ngayon.
Isama mo pa ang hindi mo maintindihan niyang mood. Pero sabagay anong nakapagtataka dun eh sa suplado naman talaga ito kahit noon paman.
Siguro nasanay na rin ako. Kaya lang sa tuwing nilalabanan ko siya sa kanyang bunganga ay sa huli wala akong nagagawa kundi ang manahimik at umiyak dahil sa sobrang pagkapikon. Pero mabilis naman niya akong inaalo sa tuwing nangyayari 'yun.
Ewan ko. Napaka-imposemble talaga paniwalaan na mas tumagal pa ang peke naming relasyon kumpara sa mga tunay diyan na mag-nobyo at nobya.
Alam kong para sa iba diyan kung makakaalam ng aming totoong sitwasyon ay aakalain talaga na ang lakas ng trip naming dalawa. Bakit hindi nalang namin totohanin ang relasyong ito kung napakatagal naman pala naming nagpapanggap na.
Pero ewan ko rin ba kay Nathan. Simula nang bastedin ko siya noong nag-open up siya na totohanin na namin ang relasyong ito pero pagkatapos nun ay hindi na talaga nito hinalungkat pang muli ang topikong 'yun.
Sabagay siguro hindi rin matanggap ng pride nito na binasted ko siya.
Gusto ko naman mapahagikhik kasi napaka-feeling ko. Anong malay ko kung wala talaga siyang gusto sa akin. Masyado lang siguro siyang nasanay sa set up namin ngayon kasi anytime pwedeng kumawala at hindi ganun ka pressured ang expectations kumpara sa totoong relasyon.
Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang nahahanap na kapalit sa akin. Nasa kanya na lahat. Gwapo, mayaman, matalino at syempre pagbibigyan ko na rin siya sa pagiging mabait minsan. Nasa kanya na halos lahat kaya imposebleng walang maghabol sa kanyang mga babae at imposebleng mahirapan siya sa paghahanap ng babaeng ipapalit sa akin.
Ano kayang rason bakit hanggang ngayon ay nagtatyaga siya sa isang pekeng relasyon na ito? Bakit hanggang ngayon nagtatyaga siya sa isang katulad ko? Aminado akong napakalayo ko sa kanya kung standards lang naman ang pag-uusapan. Langit siya at lupa naman ako. As in literal kung height ang pag-uusapan.
Nasanay na rin ang mga paa ko na magsuot ng matataas na heels sa tuwing magkasama kami para hindi ganun ka-halatang ang liit ko na tao.
Ano kaya ang dahilan niya? Bakla ba siya? Baka nga siguro. Baka closeta ito at front girlfriend niya lang ako. Tsk. Pero hindi ko yata matatanggap 'yun. Ayoko. Ang awkward niyang maging bakla. Hindi bagay sa kanya.
Pero ano nga ba ang basehan ko sa kasarian ng isang tao? May iba nga diyan na mas lalaki pa ang hitsura kesa sa kanya pero bakla naman pala.
Pero ayoko talagang maging bakla siya.
Natigilan naman ako.
Pinakiramdaman ko ang sarili kung may kakaiba na ba akong nararamdaman sa kanya. Aminado akong masaya ako sa piling niya kahit peke nga lang itong amin ngayon. Pero natutunan ko na ba siyang mahalin? Napalitan ko na kaya si Jeff dito sa puso ko?
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...