2: Yngrid Marie Lucero

89 3 0
                                    

" Back out Prince"

Syempre dahil first day of school ay hindi mawawala ang election for new set of classroom officers. Sila ang pinaka-utusan ng mga guro na siyang rason kung bakit parati akong nasa list of most talkative student tuwing may group activity na wala ang guro para magfacilitate.

Sila kasi ang inaatasan na maglista ng mga pasaway sa klase.

After namin ma-introduce ang mga sarili ay nagsimula na agad ang eleksyon.

Hindi ko alam kung bakit ang daming gustong mapabilang sa mga officers na mismo mga sarili nila ay ini-eelect.

Nangangalay na ang kamay ko sa kare-raise sa pagboto.

Ano ba yan. Gusto ko na ito matapos.

" And now for the election of Prince. Who you would like to nominate? Remember ang manonominate na Prince at Muse sa classroom na ito ang siyang magiging representative natin for the selection for the Mr.and Ms. Intrams sa Grade 8 year level."

May ilan na matapang na ninominate ang kanilang mga sarili.

Grabeh, bilib din naman ako sa confidence nila.

" I nominate Timmy Aronales for Prince."

Napalingon naman ako sa tinukoy ng isang babae kong kaklase.

Tumayo ang isang lalaki sa may unahan ko. He face us and give his best smile. Napanganga naman ako nang tingnan siya.

Naghiyawan ang mga kaklase namin sa kanya. Kinikilig ang lahat. Nako mukhang boy next door ang dating niya ah.

Syet! Ang gwapo niya. Para siya iyong nasa anime sa Fruit Basket na si Yuki Soma. Siya talaga ang bobotohin ko!

" Other nomination?"

" Ma'am! I nominate Jefferson Tuazon for Prince."

Napalingon naman kami lahat kung sino ang tinukoy ng isa naming kaklase.

Napataas ang tingin ko sa lalaki dito sa aking likuran. Siya si Jefferson Tuazon?

Again, naghiyawan na naman ang mga kaklase ko dahil sa pagtayo niya. Napakurap naman ako nang mapayuko siya ng tingin sa akin.

Hindi ko alam anong erereact kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Baka isipin pa niya na masyado ko siyang tinitingnan.

Pero ilang sandali pa ay nabalik ulit iyong tingin ko sa kanya. Oo na. Curious na rin talaga ako sa kanya katulad ng mga kaklase namin.

" I refuse the nomination ma'am." Kalma lang nitong saad sa guro namin.

Halos kaming lahat ay hindi makapaniwala sa sinabi niya.

" But, why Mr. Tuazon?"

Halata sa mukha ng aming guro ang panghihinayang sa pagtanggi ng Jefferson Tuazon na ito. Kung tutuusin sayang naman kasi. Paniguradong kapag siya ang na elect ay sureball na panalo na ang section namin sa selection of representative sa aming year level. At kung papalarin ay mukhang kaya rin niyang manalo for Mr. Intrams sa aming ekswelahan.

" I just don't like it. Hindi po ako komportable. And I think there are more deserving than me who I think can perform best in the Intrams. " Sabay tingin kay Timmy na noon ay katulad namin ay napapanganga na rin sa gulat mula sa sinabi niya.

Actually first time ko lang ito ma experience na may isang estudyante na kayang mag refuse sa ganitong mga nomination. Halos lahat ay gusto ma-elect as prince tapos siya hindi interesado?

Grabe, masyado naman siyang feeling gwapo. Nomination pa naman. Pa importante na agad. Papansin.

" Pero nomination pa naman Jeff. Lets do votation first before ..

" Ma'am..it's just a waste of time. I may win or not. I'm still not interested."

Hindi ko akalain na sa inosente at amo ng mukha niya ay may nakatago palang kasupladuhan sa budhi niya. No one's object to our teacher like that.

Ganyan ba talaga kapag galing sa mayamang eskwelahan?

Akala ko magagalit ang guro namin pero mukhang nasukol na rin ito kaya inerase nalang nito ang pangalan ng Jeff na iyan sa pisara.

Kahit marami sa mga kaklase namin na babae ang nanghihinayang at dismayado sa pagtanggi ni Jeff ay wala na rin nagawa ang mga ito.

Sa huli si Timmy Aronales ang nanalo na noo'y sport lang na tumayo ulit at nagpasalamat sa lahat.

Napangiti naman ako sa kanya. Mabuti pa siya hindi maarte. Hindi katulad ng isa diyan sa likod ko. Feeling mananalo na agad kaya ganun nalang makatanggi.

O baka naman natakot lang itong matalo ni Timmy kasi obvious naman na hindi siya ang mananalo. Tsk. Hindi nasayang ang boto ko. Tama lang na kay Timmy ako.

" Maraming salamat sa inyo. I hope makaya kong mapili. Huwag kayong mag-alala gagawin ko ang best ko."

Haaay. Grabe. May ganun pa talagang mga lalaki. Ni wala akong makitang kahambugan sa ginawa niya. He is just so humble while smiling to all of us.

Napalingon naman ako sa lalaki dito sa aking likod. Nagulat pa ako nang mapatingin siya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit may nakikita akong takot sa reaksyon niya. Mukhang masakit sa kanya ang nagawa. Nahihiya ba siya sa pagtanggi niya?

Hindi ko alam kung bakit bigla ako nakaramdam ng awa sa kanya.

Baka pressured lang siya, Inky. Baka nahihiya lang talaga siya. Bigyan mo naman ng benefit of the doubt ang tao.

Hindi ko alam kung bakit biglang lumambot agad itong puso ko makita siyang hindi komportable sa upuan niya. Yumuko siya ulit at ilang sandali pa nang mapansin na nakatingin pa rin ako sa kanya ay kunot noo na siyang napatingin ulit sa akin.

" Bakit?"

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong napangiti sa kanya. Nagulat pa siya sa pagngiti ko.

" Hi! Bago ka lang ba rito? Ako rin bago lang din dito. Mukhang pareho tayong transferee. I'm Yngrid Marie Lucero pala. Inky for short."

Inilahad ko ang kamay sa kanya. Tiningnan niya naman 'yun.

Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng hiya nang hindi niya iyon tanggapin.

Toinks. Mukhang nakalimutan ko yata na hindi pala ako gusto nito base sa mga tingin nito sa akin kanina. Ano ba Inky!? Wrong move.

Babawiin ko na sana ang kamay ko nang nagulat pa ako nang tanggapin niya iyon bigla.

" Jefferson Tuazon."

Napanganga naman ako sa ngiting ibinigay niya sa akin. Isang alanganing ngiti na mukhang nahihiya pa. Napangiti na rin ako sa kanya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

" Nice meeting you, Jeff."

Napalaki bahagya ang mata niya sa pagtawag ko sa kanya ng Jeff.

Yes I know mukhang feeling close yung dating ko. Pero I just want to make him feel at ease. Mukhang maiihi na kasi ang reaksyon nito sa pagkapahiya mula sa nagawa.

" Wag kang mag-alala. Hindi naman kasi bagay sayo yung posisyon na prince kaya okay lang."

Nginitian ko pa siya lalo na tila sinasabi sa kanya na huwag na siyang mag-alala.

Dahil don ay nakita kong napanatag ang mukha niya. Napangiti na rin siya lalo sa akin.

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon