4: Yngrid Marie Lucero

58 4 0
                                    

" Bestfriend"


Grade 9 na ako pero itong buhok kong kulot ay salot pa rin. Nagtampo na yata ito kaya hindi na humaba pa ulit.

Kinukumbinsi ko ang nanay na magpacheck up na kami sa doctor kasi naman hanggang ngayon ang bagal pa'rin ng paghaba ng buhok ko.

Tinutukso na ako sa school na kulot salot. Nagsimula iyon nang gayahin ng mga lintek kong friends ang sinabi ng mahadirang Cinderella na 'yun!

Napapaiyak ako sa inis habang sinusuklay ang buhok ko rito sa loob ng banyo ng school.

Hindi ko talaga mapapatawad ang baklang yun! Kasalanan niya 'to eh!

Paglabas ng banyo ay nagulat ako sa babaeng nakaabang sa akin sa labas.

Ngumiti siya at sa isang iglap lang ay sumigaw siya at mabilis akong yinakap ng mahigpit.

" Kyaahhh! I miss you bestfriend! Kumusta ka na?!!"

Sinusubukan kong kunin ang nakapulupot niyang kamay sa leeg ko. Nasasakal na kasi ako.

" Pwede ba Bebe bitawan mo ako!" Kaya Bebe kasi short term for Betina Barachina.

Inis kong inilayo ang kamay niya.

" Nako! Sorry! Na miss kasi kita ng sobra!"

" Walang hiya ka Betina! Wow ha! Ngayon mo lang ako na miss eh last year pa ako nagtransfer sa eskwelahan na ito ah!"

Same grade lang kami nito at nasa star section ito. Nagtataka ako kung bakit pinapansin na ako nito eh noong nakaraang year sinubukan kong makisabay ulit sa kanya pero parati nalang itong busy.

Nasa SSG (Supreme Student Government) kasi ito at napaka-achiever na babae. Kung ikukumpara ako sa kanya ay napakalaki kong downgrade.

Maganda, maputi, matalino at talented kasi ito. Habang ako ay heto isang kulot salot na babae lang. Kontento pa sa line of 7 niya na grades.

" Ito naman! Masyadong matampuhin. Alam mo nagtransfer na ako sa regular class kasi na realize ko hindi ko talaga kakayanin ang pressure sa section ko last time."

Ha? Talaga ba?

At sa pagtitigan namin ay bigla kaming napatalon dalawa at sabay na napasigaw!

" Yehey! So Classmates na tayo ulit?! " Mabilis siyang tumango.

"So may makokopyahan na sa wakas ako nito! Yehey!" Nawala ang ngiti niya at bumitiw sa akin.

" Ano ka ba! Tama na Ikyang ha. Baka mahuli na tayo nito. Nasa highschool na kaya tayo."

Shit. Inakbayan ko siya bigla at tinakpan ang bibig.

" Tumahimik ka nga. Baka may makarinig sa'yo. Nako! Hindi pa ako nakakarecover sa kulot salot na tukso nila sa akin. " Ayokong pati rito sa school ay tawagin din nila akong Ikyang.

Magkaklase kami ni Betina noong elementary. Teacher din sa skwelahang ito ang nanay niya. Sabay kaming umuuwi noon pagkatapos ng klase. Isa sa nagustuhan ko sa kanya ay one time nang parusahan ako ng teacher namin dahil sa sobrang kakulitan ay pinaglinis ako ng CR.

Pauunahin ko na sana siya dahil matatagalan pa ako. Pero ang ginawa niya ay hindi lang ako basta hinintay bagkus tinulungan pa ako maglinis.

Isa sa hindi ko makakalimutan noon tuwing maglilinis kami ay sinasadya namin takpan ang daluyan ng tubig para medyo bumaha sa CR at maglalaro kami na parang nagsuswimming sa pool. Medyo malaki kasi iyong banyo ng room namin.

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon