EPILOGUE

233 6 3
                                    

Background Music: I Guess I'm In Love by Clinton Kane 🎶🎶

I once dream for this moment. Me marrying her. Watching her walk in the aisle. Slowly walking to me with teary eyes.

Napaiyak ako nang mag chorus na. I saw that most of the people we invited are also crying.

Nang makalapit na siya sa akin ay saglit siyang nagmano sa kanyang ama at ako rin.

Niyakap din ako ng tatay ni Inky.

Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Akala ko hindi na ito mangyayari. Akala ko hindi talaga kami para sa isa't isa.

Pero may natutunan ako sa pag-ibig.

Huwag na huwag kang matakot na ipaglaban ito. Huwag kang mag-alangan na sabihin sa taong mahal mo kung gaano mo siya kamahal.

Alam ko naging torpe ako sa kanya noong una pero hindi ko pinagsisihang sa huli sinabi ko sa kanya ang totoo.

No one deserves an undefine love. Kung mahal mo dapat sabihin mo.

Maaring sa umpisa mahirap at nakakatakot na baka sa huli hindi niya tanggapin ang pag-ibig mo. Pero mas masakit yata umasa sa isang bagay na walang kasiguraduhan.

" Nathan, paano kung sa susunod na habang buhay. Mangyari ulit ang lahat ng nangyari ngayon. Tapos si Jeff ang nakatadhana sa akin. Anong gagawin mo?"

Nakahiga kami sa ibabaw ng rooftop ng aming bahay ngayon. Yakap namin ang isa't isa habang nakatingin sa mga bituin.

" Paghihiwalayin ko kayo. Aagawin kita sa kanya."

Narinig ko siyang natawa na kinilig sa sinabi ko.

" Pero paano kung kami talaga sa isa't isa? Paano kung siya ang gusto ko at niligawan niya ako ng mas maaga-

" Kahit ilang libong buhay pa 'yan Inky. Kung ang kapalaran mo ang mainlove sa bestfriend mo. Wag kang mag-alala. Sa ilang libong buhay na 'yun ay hahanapin pa rin kita. Mamahalin at papakasalan."

Napangiti ako nang maramdaman ang pagyakap niya ng mahigpit sa akin. Hinalikan ko ang kanyang buhok.

" Talaga? Paano kung magmatigas ako? Paano kung si Jeff talaga?"

Huminga ako ng malalim at naiinis na sa mga tanong niya. Kanina pa niya gustong palabasin na sa susunod na habang buhay sila na ni Jeff ang magkatuluyan.

" Paano kung wala ng susunod na habang buhay? Huh?"

" Ehh! Ito naman! Paano nga kung meron?"

Nagtitimpi akong huminga ng malalim.

" Basta die hard Catholic ako. Hindi ako naniniwala sa reincarnation."

Narinig ko siyang mahinang humagikhik.

" Eh, paano nga kung-

" Paano kung ayoko! Paano kung ayoko talaga?! Ha? Kulit mo naman eh! Ayoko! Ayoko! Basta ayoko!"

Ang lakas ng halakhak niya.

" Ang kulit mo ha. Dahil diyan. Paparusahan kita ngayon."

Napasigaw siya nang pagtayo ko ay bigla ko siya binuhat at dinala na sa aming kwarto.

" Nathan stop it! Nagbibiro lang ako!" Saad niya habang iniiwasan ang mga halik ko sa kanyang leeg.

" Oo na! Wala ng next life! Kung meron man! Ikaw pa rin ang pipiliin ko!"

Pero di ko pa rin siya tinigilan.

" Nathan!!!"

Niyakap ko siya ng mahigpit at napapikit.

" Promise Inky? Ako pa rin?" Bulong ko sa kanya.

" Oo, pangako. Ikaw pa rin sa susunod na habang buhay."

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon