" My selfishness"
Humupa na ang bagyo at humupa na rin ang galit ni Jeff sa akin. Hanggang ngayon hindi pa rin alam ng barkada kung saan ako nagpunta ng gabing iyon.
Isang gabi lang yun pero hindi ko akalain na mababago nun ang aking buhay. Sa hindi inaasahan ay nagkaroon ako ng fiancé. Hindi ko talaga alam kung paano ka bilis nangyari ang lahat na pati first kiss ko ay naibigay ko sa kanya.
Pero teka lang. I am not attracted to Nathan nor I love him more than what I feel to Jeff. Bakit ang dali kong napapayag sa pabor na hinihingi niya sa akin? At ngayon sa tuwing may mga family dinner o anong occasion na dapat andun siya ay kasama na niya ako bilang nagpapanggap niya na girlfriend.
Third year college na ako at mag-iisang taon na namin itong ginagawa ni Nathan. Not that na nahuhulog iyong loob ko sa kanya sa mga panahong 'yun pero siguro nagkaroon lang ako ng distractions sa lahat ng sakit na nararamdaman ko kay Jeff.
Nathan's coming back into my life is like a bandage to my bleeding heart. He may have prevented my heart to be broken, but it does make the pain go away.
Hindi ko alam kung paano ako naka-survive masaksihan ang pagka-baliw ni Jeff sa pag-ibig kay Abbygail. Hindi ko alam paano ko nakayanan pagmasdan siyang masayang-masaya kay Abbygail.
" Inky, hindi ka ba magtetake ng qualifying exam sa Torch publication? They are accepting again another batch of writers."
Nandito kami ng mga kabarkada ko sa malawak na field ng school sa ilalim ng mga puno ng mangga. Natigilan ako sa naging tanong ni Feah sa akin.
Noong first year ko pa gustong sumali sa Torch publication kaya lang wala akong lakas na loob na gawin iyon. Aside sa natatakot akong hindi makapasa sa exam eh napepressured ako sa mangyayaring interview.
Ewan ko. Nasanay na talaga akong baliwalain ang mga pangarap ko sa buhay. Nagsimula ito noong hindi ako nagkaroon ng chance na kunin ang gusto kong kurso.
Pero natigilan ulit ako. Oo nga pala. Hindi pala dun nagsimula lahat.
Nagsimula lahat nang malaman kong mahal ko si Jeff pero wala akong sapat na tapang upang ipaglaban iyon. Nagsimulang gumuho lahat sa akin nang araw na ipinaubaya ko siya sa kaibigan na si Betina.
Siguro mahal na mahal ko talaga ang pagsusulat. Jeff is the one who fueled that little dream of mine. But everything changed in me the moment I started to become afraid of the things that I wanted to do in this life.
Palagi ko na lang kasing hindi nakukuha ang mga gusto sa buhay. Palaging hindi natutupad ang mga pangarap ko. Jeff is my dream, but I guess it is a dream that will be kept forever in my heart. And just like writing, this dream will remain just in my dreams.
" Hindi na siguro. Hindi naman ako magaling."
Sino bang niloko ko? Anong karapatan kong isipin na may isa sa mga pangarap ko ang matutupad.
" Inky, ang galing mo kaya! Napakaganda ng mga naisulat mong reflection papers sa prof. ed natin." Saad ni Kergie.
Ngumiti ako sa kanila at umiling.
" Salamat pero buo na kasi ang loob ko. Ayoko ng habulin ang mga bagay na alam kong hindi naman para sa akin."
Tumayo na ako at nagsimula ng umalis palayo sa kanila. Pero hinabol ako ni Feah.
" Sakaling magbago ang isip mo. Ayan kinuha kita ng application form. Ngayong 1 pm ang exam. Subukan mo lang. Malay mo."
Napangiti ako kay Feah. Sa totoo lang nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko ngayon. Kahit paano hindi sila katulad ng iba diyan na napaka-toxic na hihilahin ka pababa ng palihim.
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romantizm( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...