" How to unlove you?"
Patapos na ang second sem at hindi ko akalain na may magbabalik sa aking buhay. Nakaupo ako sa canteen ng school habang masayang nakikipag-usap sa bago kong kabarkada ngayong college. Masaya kaming nagpapalipas ng oras dito nang mamataan papasok ng canteen ang isang taong hindi ko inaasahan na buhay pa pala.
Saktong nagtatawanan kami ng mga kaibigan at nagtatawanan din sila ng kanyang mga kaibigan nang biglang magtama ang aming mga mata.
Isipin niyo 'yun na parang unang tingin namin sa isa't isa matapos ang mahabang panahon na hindi pagkikita ay nakangiti kami ngayong nagtitigan sa bawat isa.
Pero agad naman akong nagising sa katotohanan at napawi bigla ang ngiti ko.
Anong ginagawa niya rito?
" Inky bakit?" Tanong sa akin ni Feah.
" Ha? Ah wala."
Akala ko namalikmata lang ako pero minsan nang mapagawi ako mag-isa sa malaking library ng school ay nakasalubong ko siya sa social science section. Nagtama ang paningin namin at natigilan.
" Inky.."
Mabilis akong napaatras at tatakbo na sana nang maramdaman ang pagpigil ng isang kamay niya sa akin. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.
" Bitawan mo ako Timmy."
" Inky.. kumusta ka na?"
Tinabig ko ang kanyang kamay at nagpatuloy na sa pag-alis. Pero ang mokong sumabay pa sa akin.
Hindi ko makalimutan ang ginawa niya sa akin. Muntik ko na siyang maging first jowa kung hindi lang naudlot ang lahat at nabalitaan ko na lang isang araw na nakabuntis siya.
So education din pala ang kursong kinuha niya?
Malamang! Wala naman ibang kurso sa eskwelahan na ito kundi education lang!
Sa totoo lang galit ako sa kanya. Pinaasa niya lang kasi ako noon eh.
" Inky? Galit ka ba sa akin?" At nagtanong pa?!
" Pwede ba Timmy. It's nice to see you. But I don't want to talk to you anymore. Doon ka na lang sa ina ng anak mo. Baka hinahanap ka na ng asawa mo."
Napalingon ako sa kanya nang mapansin na natigilan ito mula sa narinig sa akin. Napakunot ang noo nito habang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
" Sinong maysabi sa'yong may asawa na ko?"
Ha? Hindi nga ba?
" Nakabuntis ka di ba, kaya tumigil ka sa pag-aaral noon?"
" Ha? Saan mo naman yan nabalitaan?"
Saan ko nga ba narinig 'yun? Oo nga pala. Nang minsan hanapin ko si Timmy kay Jeff noon ay sinabi nitong tumigil na sa pagpasok si Timmy kasi nakabuntis at ang binuntis ay ang schoolmate naming si Lora. Na expel daw ang dalawa.
Shit. Hindi ba totoo 'yun?
Pero bakit naman magsisinungaling sa akin si Jeff?
" Iyan ba ang dahilan kaya hindi ka na nagreply sa akin noon?"
May nakikita akong lungkot sa mukha niya.
" Nagtransfer ako noong 2nd sem Inky dahil nagmigrate ang parents ko sa Canada. Bumalik lang ako nitong huli kasi hindi ko matagalan doon."
Napamulagat ako sa narinig sa kanya. Totoo ba itong sinasabi niya sa akin?
" Ha? Sure ka?"
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
عاطفية( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...