" Third Wheel"
" Inky, kilala mo ba iyang bagong girlfriend ni Jeff?" Si tita Dorothy habang nagluluto ng pasta dito sa sosyal nilang kusina.
Nasa bahay ako nila Jeff ngayon. Pormal na kasing ipinakilala ni Jeff ang bago niyang girlfriend na si Abyygail. Gusto ko sana kasama sila Bryle at Tessa kaya lang napakabusy nila sa school.
Tinutulungan ko ngayon si tita Dorothy na maghanda ng dinner namin mamaya. Wala ang husband niyang si tito Alex kasi out of the country na naman habang nasa trabaho pa si ate Jennica.
Wala rin ang kanyang step daughter na si Cindy kasi nasa Canada na ito nag-aaral ngayon. Hmp. Mabuti naman at nagpakalayo-layo na ito. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan na siya ang dahilan kung bakit tinutukso ako noon na kulot-salot.
Samantalang nasa sala naman sila Jeff at ang kanyang nobya. Naggi-guitar sessions ang dalawa. Nako. Mukhang ang babaeng yun na talaga ang meant to be niya. Marunong din pala itong mag-gitara. Narinig ko minsan ang pag-duet nila at oo na. Masaklap talaga ang buhay. Bagay na bagay talaga sila sa isa't isa.
" Bago lang po kami nagkakilala at mukhang mabait naman po."
Hindi ko makaligtaan ang pagtaas ng kilay ng mommy ni Jeff habang hinahalo na ang sauce ng pasta sa niluluto.
" Hmp. Bakit ganun ang ekspresyon ng mukha ng babaeng 'yun? Napaka-poker face. Tingin ko may itinatagong kulo yun sa sarili."
Napatda ako sa narinig sa kanya. Sa ilang taon na akala ko hindi siya marunong manghusga ng tao ay ngayon ko lang siya narinig na nagsalita ng hindi maganda sa kapwa.
" Napakaganda niya po. Tingin ko naman ay tahimik lang po siya na tao."
Umismid siya sa narinig sa akin at mabilis ko naman siyang tinulungan agad nang ilipat na niya sa malaking bowl ang pasta.
" Inky ija, hindi lahat ng maganda ay mabait."
Hilaw akong napatitig sa kanya at tila natigilan ako sa sinabi niya. Napansin niyang parang nagulat ang ekspresyon ko mula sa narinig sa kanya kaya napapakurap siyang ngumiti sa akin.
" But don't worry Inky. I'm a good judge in character. Alam kong exempted ka."
Napapangiti akong nahihiya kunwari sa sinabi niya. Ito talaga si tita Dorothy masyadong binobola ako. Ito lang yata ang nag-iisang nilalang sa mundong ito na naniniwalang may igaganda rin ako. Hayst. Di ko alam kung malabo lang ba paningin nito o sadyang mahilig ito sa mga maliliit na babae.
" Ikaw talaga tita. Napakagaling niyong mambola."
" Ano ka ba. Totoo naman ang sinabi ko. You just don't know how thankful I am na dumating ka sa buhay ni Jeff. Kung hindi dahil sa'yo baka napariwara na ang batang yan."
Palagi nalang itong sinasabi sa akin ni tita Dorothy na kung hindi raw dahil sa akin ay wala siyang matinong Jeff na anak ngayon.
Nagrebelde kasi si Jeff noong nag-asawa ulit ang mommy niya mula ng makulong ang daddy niya. Kaya naman hindi na siya umangal pa nang gustuhin ni Jeff na mag-aral sa public.
" Tita naman. Mabait naman po talaga si Jeff. Malaki nga po utang na loob ko sa kanya." Napapayuko kong saad sa kanya.
" Eh kung ganun naman pala Inky. Bakit hindi mo nalang jowain iyang anak ko nang makabayad ka na sa pagkakautang sa kanya?"
Hindi ko alam kung mauubo ba ako sa gulat sa sinabi niya o mapapabunghalit ng tawa. Kung magsalita ito na jowain ko ang anak niya ay para itong hindi sosyal na babae.
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romantizm( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...