" Crush"
Kinder days. . .
Wala akong tigil sa kaiiyak dito sa loob ng classroom. Basta lang kasi ako iniwan ni mama at ang sabi niya babalik daw siya agad.
Pero hindi na iyon nangyari. Ngumangawa ako at nagwawala at kahit pinagtitinginan na ng mga kaklase ay hindi ko sila pinapansin. Gusto ko lang makita ang mama ko.
" Nathan, honey halika na rito. Maupo na tayo."
Kahit anong gawing hila ng pre-school teacher sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas sa kanya.
Nakaupo ako sa sahig malapit sa bintana. Walang tigil ako sa kakasinok mula sa mahabang pag-iyak pero wala pa ring mama ang dumating.
Nakita ko si teacher na hinayaan na lang ako at tumuloy na sa pagkaklase.
Recess time nang biglang may isang batang babae na lumapit sa akin. Hindi ko gusto ang dugyot niyang mukha kasi sabog na sabog ang kanyang kulot na buhok.
" Gusto mo candy?"
May inabot siya sa aking candy pero inis ko lang 'yun tinabig at umiyak na naman ako.
Gusto ko talaga dumating na ang mama ko.
Nakita kong pinulot muli ng bata ang natapong candy at tinitigan ako ng matagal.
Binuksan niya ang candy gamit ang kanyang ngipin at tinapon sa akin ang pakete. Nagulat ako sa ginawa niya.
Ngumisi siya sa akin sampo ng kanyang sirang ngipin.
Ngumawa naman ako lalo habang siya ay panay lang ang ngisi sa akin.
Grade 1. . .
Tahimik na ako sa buong klase at katabi ko si Betina.
" Nathan and Betina, please stand up. Both of you read these two paragraph." Sabay turo ng english teacher namin ng dala niyang mahabang stick sa manila paper sa blackboard.
Tumayo kami ni Betina at pumunta sa harap ng Manila paper.
" Yngrid, halika rin dito. Basahin mo rin ito."
Kinakabahang tumayo ang isang batang nakasuot ng brown jumper. Nasa bibig niya ang kamay habang kagat-kagat ang mga kuko.
Napaismid naman ako sa ginawa niya. Alam kong ang rumi ng kanyang kamay at bakit kinakain niya ang kanyang kuko?
Nasa gitna na namin siya ngayon ni Betina. Nakatingala kaming tatlo sa English paragraph na nakasulat sa manila paper.
" Okay. Start."
Nang simulang igiya ng guro ang bawat salita mula sa kanyang mahabang stick ay nagsimula na kami ni Betina na magbasa ng malakas at mabilis.
Ayaw kong magpatalo kay Betina kaya naman mas nilakasan ko pa ang pagbasa.
Nakita ko mula sa gilid ng aking mata na nakatanga lang si Yngrid. Hindi siya makapagsalita na tila nalula na sa mga pangungusap.
Nang matapos kaming magbasa ni Betina ay narinig namin ang mga kaklase na tumatawa. Pinagtatawanan nila si Yngrid.
Sinipat sila ng guro na nagpatahimik sa kanila. Humarap kaming tatlo sa aming mga kaklase. Pumalakpak sila sa amin. Pinuri kaming dalawa ni Betina ng guro at pinaupo.
Uupo na sana si Yngrid pero hindi siya pinayagan ng titser namin.
Tsk. Ang bobo kasi. Ayan tuloy nangyari sayo.
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Любовные романы( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...