48: Yngrid Marie Lucero

58 3 0
                                    

"True Love"


1 day before the big revealation. . .

Fully recuperated na ako ngayon. It's been 5 months already, and I can say that all went well. Salamat sa Diyos at naging okay din ako.

But I guess, naghilom na ang sugat ko rito sa tiyan pero hindi sa puso ko. I am still broken and confuse kung para kanino ako nasasaktan.

Approve na pala ang libro kong 'My Harry' at ngayon nga ang release nito. Marami akong nababasa na good feedback at sobrang natutuwa ako.

Hindi ko na ulit nakita si Nathan simula nang araw na maoperahan ako. I tried to contact him, but he's not answering my texts anymore. Sinubukan ko siyang tawagan pero not connected na. Mukhang nagpalit na talaga siya ng number.

Sinubukan kong pumunta sa bangko kung saan siya nagtatrabaho pero sabi ng bagong manager doon ay matagal na raw wala si Nathan sa BDO.

Nalaman ko na tinanggap na pala niya ang pagiging CEO sa kanilang kompanya. Hindi ko alam kung ano ang naging rason niya para pumayag sa gusto ng papa niya.

Nakakahiya man pero sinubukan kong puntahan siya sa kanyang opisina.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong kausapin siya ng personal at pasalamatan na rin sa pagtulong sa akin.

Pero alam ko may higit pa 'run na dahilan kung bakit gusto ko siya makausap ng personal.

Napalunok ako habang hinihintay siya rito sa lobby.

Hindi ako pinapasok ng babae sa receiving area kasi wala raw akong naka-schedule na appointment sa kanya.

Halos isang buwan na ako pabalik-balik rito umaasang makikita siya. Sinubukan kong puntahan siya sa kanilang mansyon din pero hindi na pala sila roon nakatira.

Hindi ko alam kung bakit lumipat sila ng tirahan. Wala pa man din akong contact sa ate niya maging kay lola Ratti. I tried to go at his home in Tondo, but her evil mother insulted me again.

Ipinagtabuyan ako ng mata-pobre niyang nanay.

Nanlulumo ako sa hirap na dinanas ko para makita siyang muli.

Damn. Why am I doing this?

Bakit nagpapakahirap ako ng ganito sa kanya?

Bakit ngayon pa na alam ko naman na malabong gusto pa rin niya ako?

Huh? Did I just confirm the reason why I wanted to see him all this time?

Napayuko ako habang nakahawak sa aking pantalon.

Huling araw na 'to. Kapag hindi ko siya nakita ngayon ay hindi na talaga ako maghahabol sa kanya.

Alas syete na ng gabi at marami na sa mga trabahante ang nakauwi. Anong oras ba siya kung umuwi? Kadalasan hanggang alas nuebe ko siya kung hintayin dito. Minsan sinubukan kong maghintay hanggang ala-una ng madaling araw to be sure kung anong oras siya bababa.

Pero shit. Hindi ko talaga siya matyempuhan. Sabi naman ng receptionist ay nasa opisina niya lang daw siya.

Iniiwasan ba niya ako? Ayaw na ba niya akong makita?

Malungkot akong tumayo at pinahid ang mga luha. Umiiyak na pala ako.

Siguro dapat na akong tumigil. Ayaw na talaga niya sa akin.

Mahina ang paglakad na ginawa ko at tinawagan ang aking editor. Kinumusta ko sa kanya ang update sa na-release kong libro.

She said that it's going great. Number one na ngayon ito sa best selling books.

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon